CHAPTER 49

44 7 0
                                    

RICCA's POV

"Rics.." napalingon ako sa likod ko saka ako napangiti sa nakikita.

'Si Mac Dave.'

"Hi.." masayang bati ko sa kaniya nang makalapit na siya sakin. "Akala ko ay hindi ka na darating pa." Nakangusong saad ko pa sa kaniya.

Hinawakan naman niya ako sa kamay saka na niya ako hinila sa kung saan. "Hindi ko pwedeng paasahin ang taong mahal ko."

Napangiti naman ako sa sinabi niya habang naglalakad kaming dalawa na magka-holding hands pa.

Kinilig naman ako ng kaunti saka napakurot sa pisngi ko ng palihim. Baka kase nananaginip na naman ako eh.

"Hmm.. Saan pala tayo pupunta?" Pag-iiba ko sa usapan.

Naglalakad pa rin kaming dalawa. Gabi na rin at nasa park lang ako kanina habang hinihintay siya.

"Basta, maghintay ka lang at makakarating din tayo doon." Sagot naman niya habang hinihigpitan ang paghawak sa kamay ko.

"Kinakabahan naman ako eh." Nakangusong sagot ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya saka niya bahagyang pinisil ang pisngi ko. "Kahit kailan talaga, napaka-cute mo."

Mas lalo naman akong napanguso. "Hindi ako cute, maganda ako."

Natawa naman siya sakin.

Matapos ang ilang minutong paglalakad namin ay natigil siya sa paglalakad hanggang sa pumunta siya sa likuran ko saka niya ako piniringan. Napahawak pa ako sa panyo'ng tinatali na niya sa mga mata ko.

"Ano 'to? Ba't kailangan mo pa akong piringan?" Nangingiting tanong ko sa kaniya.

Matapos niya akong piringan ay naramdaman ko na ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"I have a surprise for you." Mahinang sambit nito saka niya ako inalalayang maglakad.

"Kung ikakapahamak ko ito ay hindi kita mapapatawad. Binabantaan na kita, Mac Dave."

"Don't worry, hindi kita ipapahamak. Mamamatay muna ako bago ko gawin yun."

Kinilig naman ako sa sinabi niya pero di ko ulit pinahalata. Baka mamaya eh lumaki pa ulo niya dahil sa kinikilig ako. Mas lalo pa siyang babanat kung sakali. Hmpt. Di ako papayag.

"Are you ready?" Tanong niya sakin nang huminto kami sa paglalakad. Kinabahan naman ako bigla kaya di ako agad nakasagot.

"I will count, 1-3, tatanggalin ko na 'tong piring mo." Usal pa niya kaya kahit kinakabahan ay napatango na lang ako.

Hanggang sa dahan-dahan niyang kinakalas ang pagkakatali sa panyo.

"1,2—" napasapo ako sa dibdib ko habang hinihintay ang number 3. "3" huling bilang niya at binaba na ang panyo.

Dahan-dahan ko ding minulat ang aking mga mata. Naging malabo ang unang pagtingin ko ngunit kinamot ko ang mga mata ko para maibalik sa pagiging malinaw, hanggang sa makita ko na ng maigi ang surpresang sinasabi ni Mac Dave. Napangiti pa ako nang makita ang round table na may puting mantle na nakatakip niyon saka may mga magkaparehang kubyertos ang magkasalungat na nakapatong roon. May flower vase pa sa gitna at magkaharap na upuan. May tatlong kandila pa na pinapagitnaan ng flower vase. At ang pinaka-last ay ang nakakabit na christmas light sa bawat puno dito sa malapit sa table namin. Napakagandang pagmasdan.

COLD INTO HOT जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें