Chapter 70

44 6 0
                                    

MAYA's POV

Araw ng Lunes, ito na ang pinakahihintay namin.

"Good luck sa first day mo," bungad ni Aspen sa akin nang palabas na ako ng kwarto.

Ngumiti lang ako ng tipid saka na ako lumabas ng tuluyan.

Unang araw ng college life is already on going. Usapan namin ni Gansa na sunduin ako rito sa apartment ng maaga para makakain kami ng almusal na sabay.

Nasa labas na siya ng gate nang makalabas ako. Nakangiti ito habang nakapamulsa sa uniform niya. Lunes at Miyerkules ang sched ng pagsuot ng uniform kaya parehas kaming naka uniform ngayon.

"I love you, babybabe."

Ang aga-aga tumatamis na naman ang dila.

"Tss. May kailangan ka ba?"

Ngumuso siya sa akin na nakasimangot.

"Porket ba nag I love you ako sa'yo, may kailangan na agad? Tch."

Napailing na lang ako at ako na ang kusang nagbukas ng co-pilot seat door niya. Kahit kailan talaga bading siya.

"Dadaan ba tayo sa Jollibee o sa McDonald's?"

Nagkibit balikat ako, "Ikaw bahala kung saan mo gusto."

"Kaya nga ikaw ang tinatanong ko, 'di ba?"

Nagsusungit na naman ang bading ngayong umaga.

"Nireregla ka?" Walang isip-isip na tanong ko.

Tinigil nito ang sasakyan at napatingin sa akin ng masama.

"Just asking," nakangising dagdag ko.

Umiling siya ng isang beses at hindi na nagsalita pa. Kusang nagpatalo dahil alam niyang talo na siya sa akin pag ganitong usapan.

"Pag pinaulanan kita ng halik baka sabihin mo pang buntisin na lang kita," bulong nito.

Narinig ko pero natawa lang ako at hindi na sinundan pa ng kataga at baka masapak ko lang ang pagmumukha niya. Ang kapal kase.

Nagdrive thru lang kami rito sa McDonald's. Kumain kami sa canteen ng University pagkarating namin.

As usual, maraming nakatingin sa amin pero hindi na lang namin pinapansin. Mga zombees lang ang mga yan na tumitingin ng bagong chismis.

"Bakit sobrang bagay nila ni Silver? Gosh!"

"Kaya nga, eh. Team GanBon na talaga ako."

"Anong GanBon?"

"Gansa at Ibon. Di mo ba alam ang palayaw nila sa isa't isa?"

Ngiting ngiti na nakatingin sa akin si Gansa matapos niyang marinig ang mga bulungan sa paligid. Tudo support kuno sa loveteam namin..

"Narinig mo ba 'yon, Ibon?"

"Di naman siguro ako bingi?" Basag trip ko sa kaniya.

Pinapalaki na naman niya ang ulo nito dahil lang sa naririnig.

"Ang sarap mo talaga kausap. Sobrang sweet mo. Promise!" Sarkastikong sagot niya sa akin.

"Thanks," akala niya siguro magpapatalo ako.. :D

Matapos naming kumain ay pumasok na kami sa first subject namin ngayon. Since magkaiba ang building naming dalawa, he insisted para ihatid ako. Di naman ako pumayag pero nagpumilit ang bading na 'yon.

COLD INTO HOT Onde histórias criam vida. Descubra agora