CHAPTER 73

46 7 0
                                    

*wheel of fate on media above*

MAYA'S POV

Pagkapasok ko nang kwarto ay agad na kinuha ang tuwalya para maligo na. Hindi na rin ako nakapasok ng klase ko ngayon. Malakas ang ulan kaya mahihirapan na rin ako makabalik ng University.

From: Babybabe<3
Monday, 6 Feb • 10:04 am

Babybabe, maligo ka ng maligamgam na tubig. Baka magkasakit ka.
I love you so much, babybabe<3
Miss na rin kita. Sana okay na tayo mamaya o kaya bukas.

6 Feb, 10:04 am

Pagkabasa ko pa lang sa message niya ay para na akong binuhusan ng malamig na tubig.

Galit ba ako sa kaniya?

Hindi ko na lang siya nireply'an at ginawa ko na lang ang thesis ko. Tutal tapos na akong maligo.

Sa kalagitnaan ng pagtitipa ko sa laptop ko ay nag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko ito na walang atubili.

"Oh?"

"Why are you not in school?"

Si Mac Dave.

"Bakit?"

"Anong bakit? Nandito sina Zu fu. They are looking for you."

"Just tell them that I'm sick right now."

"What?! Are you sick?"

Napaka-OA naman magreact. Tsk.

"Nagfile ako ng leave of absence. Don't ask again. Bye."

Binabaan ko na siya bago pa niya ako sermunan. Pareho lang naman sila ng mommy niya. Sa panenermon magaling.

Tinuloy kong muli ang paggawa ng thesis hanggang sa mag lunch na. Wala na ring text si Gansa matapos niya akong paalalahanan kanina.

"Maya, wala kang pasok ngayon?"

Nasa kusina ako at nagpriprito ng spam, bigay ni Mac Dave last week.

"Meron."

"Nag absent ka?"

Linagay ko na sa plato ang niluluto ko at saka naupo.

"Yeah."

Umupo rin siya sa harapan ko.

"Bakit? May problema ba?"

He seems like he is concern. Pero binalewala ko lang.

"Wala. Don't mind me."

Kumain na lang ako. Inalok ko naman siya pero tumanggi, may lunch daw sila ng parents niya. Good to him para di lang siya laging nandito sa apartment.

Pagkatapos kong kumain ay tinuloy kong muli ang thesis ko. Malapit na pasahan, baka mamaya ay ma-sinco pa ako.

Alas tress na nang matapos kong gawin ang thesis ko. Lumabas muna ako para pumunta sa mansyon. Nagtext si Mac Dave at may dinner ulit kami.

Kahit pa tumanggi ako sa pagpunta doon ay hindi nila ako titigilan. Baka sunduin pa nila ako dito sa apartment. Tss.

Buti at tumila na ang ulan, makakapagmotor na ako ngayon.

Nakarating ako ng buo dito sa mansyon. Sinalubong ako ng isa sa mga katulong nila dito at pinasunod ako sa may garden. Doon ata kami magdidinner.

"You here." Tumayo si Zu fu at inalalayan akong umupo.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now