CHAPTER 47

49 6 0
                                    

SILVER's POV

"Silver, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap ah." Sigaw agad ni Gerone nang makarating na ako dito sa classroom namin.

'Ba't nandito ang mga ugok na'to? Tsk.'

Hindi agad ako nakapagsalita dahil inaalala ko si Ibon. Kanina ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang nag-aalala ako sa kaniya at naaawa.

"Nawawala si Maya, kanina pa."

Napatingin ako kay Lui ng magsalita siya. Matapos ay napatingin rin ako kina Manok na naka-upo sa pwesto nila habang nag-uusap-usap. Pawang mga nag-aalala sila base sa mga itsura nila. Matapos ay binalik ko kay Lui ang paningin ko.

"Wala kaming balita kaya naghihintay lang kami ng ilang minuto, baka sakaling bumalik na siya." Dagdag pa niya.

Napaisip naman ako. Dahil kanina ay iniwan ako ni Ibon sa field. Hindi ko na siya sinundan dahil sa sinabi niya sakin. Ayaw ko namang pakealaman siya pero nagkusa yung katawan ko na kausapin siya kanina.

"At kapag hindi siya bumalik?" Wala sa sariling tanong ko sa kanila.

Napatingin pa muna ako kay Gerone pagkatapos ay kay Lui. Nagkibit balikat lang sila saka napapaisip. Wala akong choice kung hindi kausapin sina Manok. Lumapit na lang ako sa kanila na walang sabi-sabi.

"Huy Manok." May yabang na tawag ko kay Freya kaya napatingin siya sakin.

Kunot noo itong tumitig sa mukha ko kaya mas lumapit pa ako sa kaniya. Naputol tuloy ang usapan nila ng dahil sa paglapit ko.

"Huy ka rin, Gansa!" Masungit na sagot naman niya sakin.

"Tsk. Ano ng balita kay Ibon?" Seryosong tanong ko sa kaniya.

Napabuntong hininga naman ang mga kaibigan niya at napasandal sa kinauupuan nila. Parang wala silang pakealam sa kaibigan nilang nawawala.

"Eh ano naman sayo kung ano ng balita sa kaniya? Psh. Feeling concern?" Pagsusungit pa rin niya.

Muntik ko na siyang puruhan ngunit mas inaalala ko ang mukha ko. Malakas pa naman siyang manapak.

"Nakita ko kase siya kanina sa field kaya tinatanong ko. Baka ako pa sisihin ninyo pag hindi ko sinabi. Tsk." Kunwari ay galit kong sagot sa kanila.

Sumandal na rin si Manok sa upuan niya na parang wala talaga silang pakealam. Mas lalo tuloy akong nawiwirduhan sa kanila.

"Eh kung ganun, alam mo kung nasaan siya?" Tinaas pa niya ang isang kilay habang sinasabi ang katagang iyun.

Tumango naman ako saka ko siya pinandilatan ng mata dahil sa inaasta niya.

"Ang sabi ko, nakita ko siya kanina sa field, hindi ko sinabing alam ko kung nasaan siya ngayon." Singhal ko naman sa kaniya.

Nakakainis kase. Gusto pa niya ng paulit-ulit. Parang naka-unli lang ang peg nito.

"Eh bakit ka pa lumapit samin?? Tss. Papansin."

"H-huy!! Di ako papansin. Bwisit kang babae ka!"

"Aba, baka gusto mong tamaan na naman sakin?" Banta niya habang papatayo na ito.

Napalunok naman ako habang nakakaramdam ng kunting kaba sa dibdib. Dahan-dahan siyang tumatayo hanggang sa...

"Krrrrriiiinnnnnggg..." may tumatawag sa isang cellphone.

Napakapa naman kaming lahat sa nga bulsa namin.

"Hello?" Rinig naming sambit ni Manok kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "Ano!? Bakit ngayon mo lang sinabi??" Natatarantang tanong niya sa kabilang linya kaya pati ang iba ay nagpapanic na rin. "Oh sige, papunta na kami diyan....Oo, wala na kaming klase.. bye." Binaba na niya ang cellphone nito saka napatingin sa mga kaibigan niya.

COLD INTO HOT Onde histórias criam vida. Descubra agora