CHAPTER 52

73 9 0
                                    

MAYA's POV

Araw ng miyerkules at papasok na ako sa campus ng may humarang sakin sa dinaraanan ko. Hawak ko ulit ang gitara ni Mac Dave na hindi pa naisasauli hanggang ngayon.

"Ikaw si Maya Delos Reyes, hindi ba?" Mayabang na tanong sakin ng isang patpating lalake pero matangkad.

Bale apat silang lalake na nakaharap sa harapan ko at may mga hawak pa silang tig-iisang kahoy.

"Wala na kayong pakealam sa pangalan ko." Walang emosyong sagot ko naman sa kanila.

Nasa harapan kami ngayon ng gate at mukhang walang pakealam ang guard samin. Hindi ata niya kami kita dahil medyo tago ang pinagpapark ko ng sasakyan.

"Tama nga si boss, masyado kang mayabang kaya nakakaapak ka ng pagkalalake." Nakangising usal nung isa pa niyang kasama na mas may laman ng kaunti sa katawan kesa sa isang nauna kanina.

"May klase pa ako at kailangan ko ng pumasok." Blankong tinging sagot ko sa kanila. Pero nagsitawanan lang ang apat at pinapalo-palo pa nila sa hangin ang hawak nilang kahoy.

"Satingin mo ba, hahayaan ka naming makapasok na hindi man lang napupuruhan?" Sigaw niya samin kaya napangiwi ako sa mga itsura nila.

"Tss. Sinasayang niyo lang ang mga oras ninyo sa walang kwentang bagay." Nakangising sagot ko sa kanila pero nanatili silang nakangiti at mahinang tumatawa.

"Buti naman at alam mong walang kwenta kang tao?"

"Bobo! Ang sabi ko, walang kwentang bagay hindi walang kwentang tao. Tss. Gamitin din ninyo minsan ang mga utak ninyo." Pang-aasar ko sa kanila.

Lumapit sakin ang pinaka-matangkad sa kanila at dinuro ang hawak niyang kahoy sa mukha ko. Hindi ako umilag o maski gumalaw man lang sa kinatatayuan ko. Ngumisi ako at hindi umimik.

"Kanina ka pa, ha! Ano bang ipinagmamalaki mo eh babae ka lang naman? Di hamak na mas malalakas kami kesa sayo. Mag-isa ka lang at apat kami.. Hahahaha."

Apat nga sila pero ang papapatpatin naman ang mga katawan. Eh mas malalaki pa nga ang mga katawan nung tauhan ni Blacky eh.

"Oo nga pala. Di ko ata kayo kaya." Kunwaring natatakot na sagot ko naman.

Nagsitawanan na naman sila at mukhang tuwang-tuwa nga sila sa sinabi ko. Pero sa totoo lang ay nangangati na rin ang mga kamay ko na manapak ng tao.

*peep-peep-peep*

Napatingin kaming lahat sa bumusina sa likuran ko. Sila kase ang nakaharap sa paparating na magpapark dito at ako naman ang nakatalikod roon. Kaya ako lang ang pumaharap sa bumusina.

"Sino namang yang walang hiyang tao na yan? Isturbo!" Reklamo nung pinakaboss nilang apat.

Pinark na niya ang kotse niya sa tabi ng sasakyan ko. Hindi agad siya bumaba pero tiyak kong si Gansa na yan. Siya lang naman ang ganyang sasakyan dito sa campus.

"Huy!! Lumabas ka nga diyan at harapin kami. Masyado ka ring mayabang tulad ng isang 'to!!" Sigaw nung unang kumausap kanina sakin kay Gansa.

Binaba niya muna ang wind shield niya saka niya binaba ng bahagya ang sun glassess niya. Napaka-arte at napaka-bading ang inaasal niya ngayon. At sobrang baduy kaya natatawa na naman ako sa kaniya ngunit pinipigilan ko lang. Baka mamaya ay pagdiskitahan na naman niya ako.

"Aba! Baduy ka pala? Wahahahaha!!"

At hindi ko na kailangang tumawa pa dahil may taga-tawa na ako.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now