CHAPTER 38

59 8 0
                                    

SILVER's POV

Hindi ko alam kung anong nangyari sa pantalon ko. Hindi ko alam kung ba't basang-basa. Hindi naman ako umiihi pag tulog eh.

May hindi na naman ako nagugustuhan sa nangyayari. Alam ko kung sino na naman may pakana nito sa akin. At hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong si Ibon ang may kagagawan nito.

'Humanda ka saking Ibon ka!'

Nasa loob na ako ng CR at hindi ako mapakali kung anong gagawin ko dito sa pantalon ko. Hindi ako pwedeng lumabas, baka pagtawanan lang nila ako kapag nagkataon na pupunta pa ako sa locker ko.

"Paano niyan ako makapagpapalit? Aaaah!" Napapasabunot na lang ako sa sarili kong buhok sa sobrang inis.

Tawagan ko na lang kaya si Gerone o si Lui? Baka sakaling sagutin nila kahit nasa klase.

"Ah tama. Tawagan ko na lang sila." Nasabi sa sarili habang nilalabas na sa bulsa ko ang cellphone.

Nakailang ring na pero di pa rin sinasagot ni Gerone. Siya kase ang unang tinatawagan ko dahil alam kong sasagutin niya yun kahit pa nasa loob siya ng klase.

"Huta ka pre, anong tinawag-tawag mo?" Agad na tanong niya nang sinagot na niya ang tawag.

Nagkaroon naman ako ng lakas ng loob dahil sa kaniya.

"Pre, kailangan kita. Ngayon na."

"Shet! Nababakla ka na ba sakin, pre? Hahahaha."

"Gagu! Nasa klase ka diba? Ba't nag-iingay ka dyan?"

"Psh. Nasa labas ako. Paano ba naman kase, vibrate ng vibrate 'tong phone ko. Yun pala, ikaw ang tumatawag."

"Oo. At ngayon palang, tumakbo ka na papunta dito sa Male CR."

"Ano!? At bakit naman ha?"

"Basa 'tong pantalon ko. May hayop na naman na gumawa nito."

"Bwahahahahaha! Loko. At sino naman?"

"Sino pa ba? Eh di yung Ibon na 'yun. Nakakainis!"

"Oh chill. Sige na, dadalhan kita dyan ng pamalit mo.. Paalam lang ako kay sir Carlo. Bye."

Sa sinabi niyang yun ay agad ko ding binaba ang tawag. Pag naaalala ko yung Ibon na yun para akong kuryente dito at gustong-gusto ko nang kuryentihin siya. Ugh!

"Magbabayad ka saking Ibon ka! Tandaan mo yan!"

"Huyy! Anong pinagsasabi mo dyan? Nababaliw ka na naman ata." Biglang dating ni Gerone kaya nagulat pa ako.

Kung ano-ano na naman kase ang sinasabi ko tuwing mag-isa. Lalo na kapag naaalala ko lang si Ibon. Tch.

"Tch. Akin na." Inagaw ko mula sa kaniya ang pantalon na hawak niya saka pumasok na ako sa cubicle para magpalit.

"Sobrang basa nga yang pwetan mo, pre. Hahahahaha!" Malakas na asar at tawa na naman niya sakin mula sa labas ng cubicle.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now