CHAPTER 32

69 9 2
                                    

SILVER's POV

Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Ibon ang kayabangan nya. Kung makaasta siya sa harapan ng lahat ay parang siya ang hari. Ibang klaseng babae na mukha namang lalake. Nakakainis ang pagmumukha na kahit wala namang emosyon at reaksyon ito at madalas pa ay blanko, yun ang naging dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko siyang nakikita. Sobrang nakakainis at naaapakan masyado ang pagkalalake ko.

Bastos. Yan ang tingin ng lahat sa kanya. Walang modo at walang kinatatakutan kahit principal namin.

Naalala ko ang apilido ng principal namin. Magkaapilido sila ni Ibon at kung hindi ako nagkakamali ay may koneksyon silang dalawa. Malakas ang kutob kong magkaano-ano lang sila.

Nagsimula nang magtanong si sir Gascon nang makalabas na si Principal at lahat kami walang maisagot, maliban kay Freya na siyang tinatadtad ni sir Gascon ng mahihirap na tanong. Nasasagot naman niya ito ng tama at napapangisi pa si sir sa kanya.

Matatalino ang dalawang magpinsan pero kayabangan ang nangingibabaw sa kanila. Lalo na si Ibon.

'Blaaaag!'

Napatingin ang lahat sa biglaang pagbukas ng pinto at pabagsak niya itong sinara saka siya galit na galit na pinasadahan ng tingin si sir kaya napasinghal pa si sir Gascon sa kanya.

"Bastos!" Natigil si sir nang walang lingon-likod na nagderetsu si Ibon sa upuan niya at blankong napatingin sa harapan niya.

Walang nagawa si sir Gascon kundi ang hayaan na lang siya. Tinitiis na lang siguro niya kaya hinayaan na lang niya.

Nagpatuloy na lang si sir sa pagtuturo at lahat na kami ay nakaupo na. Wala namang nakakasagot ng ayos samin maliban kay Freya kanina kaya galit na galit na pinaupo niya kami.

'Krrrriiiiiiingggg'

Nagbell na at lahat ng mga kaklase namin ay nagsitayuan na at sumunod naman ako. Hindi tumayo si Ibon at tiningnan pa siya ng mga kaibigan niya ngunit bigo silang patayuin ito.

"Class dismissed!" Galit na sigaw ni sir na bumaling pa kay Ibon na walang galawan na nakaupo lang sa kinauupuan niya.

'Napakabastos. Di na talaga nahiya. Tsk.'

"Mag-aral kayo. Hindi puro pagpapaganda at ligawan ang ginagawa." Huling sambit ni sir saka na siya umalis kaya nagsibuntong hininga ang lahat sa sobrang kaba na nararamdaman.

Nagsilayas na ang lahat at naiwan ang mga magkakaibigan at isa na rin ako. Gusto ko nang umalis pero mukhang may pumipigil sakin. Nakaupo lang ako at hinihintay na makalabas ang magkakaibigan sa harapan ko.

Nagsikanya-kanya sila ng ayos ng gamit maliban kay Ibon na mukhang rebulto na hindi pa rin gumagalaw na mukhang may iniisip na malalim sa kinauupuan niya.

"Maya, are you ok?" Malumanay at nahihiyang tanong ni Monicqe sa kanya ngunit umiling si Freya sa kanya, senyas na sila lang ang nakakaintindi.

Natigil naman si Monicqe at nagtuloy lang sa pag-aayos ng gamit. Napakabagal nila at mukhang mga pagong kung kumilos. Nagpapakiramdaman pa sila na animong hindi alam ang sasabihin at gagawin.

Napapailing na lang ako sa mga iniaasta nila. Parang takot na takot sila kay Ibon. Samantalang wala namang nakakatakot sa kaniya.

"Guyso, tara na." Ngiting ngiting lumapit si V-jay sa kanila at biglang nawala ang ngiti nang makita ang mga itsura nila. "Oh, o-ok lang kayo?" Kinakabahang tanong niya sa kanila kaya napangisi ako.

'Takot rin ang bakla. Hayst.'

"Tara na." Walang buhay na tumayo si Ibon at nauna nang maglakad habang nakasukbit sa isa niyang braso ang bag nito.

COLD INTO HOT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon