CHAPTER 59

48 8 0
                                    

MAYA's POV

12:00 pm.. Wednesday!

"Malaking pag-asa na makapasok kayo sa District meet at sa R1AA pag nagkataon na maipanalo niyo ng tatlong beses ang larong ito." Paliwanag ni coach Bon habang nasa office niya kami ng tatlo pang makakasama ko sa tae-kwon-do.

Wala naman akong magagawa kung tatanggihan ko ang sport na ito eh. Kasalanan ng Gansa na yon.

"Hindi na kailangang sabihin pa yan coach. I'm sure na maipapanalo ko ito." Sigurado nang sagot ni Jin. Ang isa sa mga makakalaban ko bukas sa Intrams.

Intrams palang pero ang laki na ng ulo niya. Sure na sure na siya, na siya na nga ang mananalo.

"No.. Huwag magpakampante, Ms. Querobin. Hindi pa nagsisimula ang laban pero alam mo ng ikaw ang mananalo." Napapailing na lang si coach.

Ngumisi si Jin Querobin sakin nang nakita niyang nakatitig ako sa kaniya. Sexy din siya pero hindi ganun kasexy compared to a model and a ramp girl in the street.

"I agree with that coach." Sabat naman ni Lilo na isa rin sa mga makakalaban ko.

Tatlo kaming magkakalaban pero tatlo din kaming gustong maipanalo ang laban para sa District meet at R1AA. Ayaw ko noong una na ipanalo ito, pero dahil gusto kong patunayan kay Gansa na kahit pinasok niya ako sa ganitong sitwasyon ay makakayanan ko sila

"You agree with me Mr. Roces pero nalaman kong nakikipagpustahan ka na sa mga kaklase mong maipapanalo mo din ang laban. Pareho lang kayo ni Ms. Querobin." Nawalan na rin ng pasensya si coach sa kanila.

Napabaling sakin si Coach. Napansin siguro ang katahimikan ko.

"Are you with us, Ms. Delos Reyes?" Tanong niya sakin.

Tumango ako. Akmang tatayo nang magsalita si Jin.

"Where are you going? Are you afraid with us?" Sarkastikong tanong niya sakin.

Tiningnan ko lang siya ng blanko saka na inayos ang pagkakaupo.

"Saan ka ba dapat pupunta, Ms. Delos Reyes?" Tanong na naman ni coach sakin

"I need to pee, coach. Pero huwag na lang, mukhang umatras eh."

Natawa sina Jin at Lilo sa sinabi ko at nagtitimpi naman si coach sa pagtawa.

"You're funny pala. Hahaha." Natatawang saad ni Jin sakin.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanila saka na ako nagseryoso ulit.

"Okay, enough that funny moment.. Anyways, kaya ko kayo pinapunta dito para makausap kayo ng masinsinan." Seryoso ng saad ni coach Bon samin. Tumigil na din sila sa pagtawa at tumingin na kay coach. "Ayaw ko yung nag-aaway o nagtatalo kayo when it comes in game. Kung laro, laro lang. Huwag seryusohin. Kung may matatalo man, please, accept the fact na talo kayo. Kaya nga may better luck next time, diba?"

Tumango naman kami sa kaniya. Tuloy-tuloy lang siyang nag-eexplain samin hanggang sa matapos.

"Okay. Siguro naman naintindihan niyo ako. Sana ay huwag lumaki ang ulo niyo pag nanalo kayo. Lalo na kayong dalawa." Baling niya kina Jin at Lilo. "Alam kong magagaling kayo. Sinabi sakin ng coach niyo noong junior high school palang kayo."

Walang sinabi ang dalawa at nagtanguhan lang sila. Bumaling din si coach sakin. "Akala mo siguro ay makakatakas ka sakin, hindi." Usal pa niya. "Sinabi sakin ng coach mo na malakas at lagi ka raw nananalo sa mga laban mo noon pero bigla ka daw nag-back out na walang pasabi. Hindi ko na aalamin kung bakit pero sana ay hindi mangyari ang ginawa mo noon."

COLD INTO HOT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon