CHAPTER 17

54 9 0
                                    

SILVER's POV

"Baby di mo na ba hahanapin si Shiney??" Nag-aalalang tanong sakin ni mommy habang nandito ako sa may kwarto ko at bigla na lang syang pumasok.

"Bakit kailangan ko pa syang hanapin mom? Malaki na po sya, ok?" Nagtitimping inis na tanong ko rin sa kanya kaya napabuntong hininga naman sya sa harapan ko.

"Yeah I know. But I am worried about her. Baka mapano sya.." Malumanay at may lungkot na sagot naman nya kaya napapailing na lang ako habang prenteng nakaupo dito sa may sofa habang sya naman ay nakaupo sa kama ko na nakaharap sakin.

"Di mo na kailangang mag-alala pa dun sa ibon na yun dahil mas malakas pa sya kesa sa lalakeng kagaya ko." Sagot ko naman saka na ako tumayo.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nya sakin na tinitingala na nya ako.

"Tsk. Akala nyo ho kase babae yun, pero ang totoo, pumapatol yun sa lalake."Seryosong sagot ko habang papalabas na ako ng kwarto.

"Eh saan ka na pupunta baby??" Pahabol pa nyang tanong habang papapihit na ako sa door knob ng kwarto ko.

"Hahanapin mo na ba sya?" May galak na tanong pa nya nang makasabay na nya akong maglakad pababa ng hagdan.

"Nope. May pupuntahan lang akong kaibigan mom." Sagot ko naman saka ko na mabilis na iniwan sya roon at agad na lumabas at nagpuntang garahe.

"Eyy Baby, saan ka pupunta??" Sigaw pa nya sakin ngunit di na ako humarap pa sa kanya.

"Tss. Akala mo hahanapin kita? Hmp. Akala mo lang yun. Ano ka sineswerte??"Mahinang singhal ko habang pinapaandar na ang sasakyan ko.

*Fernandez's Residence*

Mabilis kong tinahak ang daan papunta dito kina Ricca kaya nasa tapat na agad ako ng bahay nila.

Magsisimula na akong bumaba nang mapansin ang isang familiar na motor.
Bago ako lumabas ay napapailing pa muna ako habang pinagmamasdan ang motor na yun.

I know sya yan. Tsk.

"Ano namang ginagawa mo ditong ibon ka?" Inis na bulong ko habang pinagmamasdan syang nakatayo lang sa harap ng motor nya na parang may malalim na iniisip.

"Tss. Pake ko ba sa'yo!" Mahinang sigaw ko saka na ako bumaba ng kotse.

Mabilis akong nagtago sa gilid ng sasakyan ko nang bigla syang mapatingin dito.

Sinisilip ko pa sya ng bahagya na kinukumpirmang hindi na sya nakatingin dito.
Napabuntong hininga pa ako nang hindi na sya dito nakatingin.

"Haaayss.. Malas!" Sigaw ko pa saka na ako mabilis na nagdoorbell.

'Bilisan mong bumukas baka makita na nya ako dito.'

Sigaw ng isip ko habang paulit-ulit na pinipindot ang doorbell nila Ricca.

"Waaaiit!!" Rinig kong sigaw sa malapitan ng gate sa loob kaya napangiti ako ng bahagya.

"Hi." Bati ko pa nang sya ang bumukas ng gate nila. Nginisihan naman nya ako ng nakakaloko kaya napangiti ako ng malawak.

"Anong ginagawa mo dito?" Singhal nya sakin kaya lumapit ako sa kanya.

"Of course, to see you." Nakangiting sagot ko sa kanya kaya tinaasan nya lang ako ng isang kilay saka na sya nagpaumunang pumasok na sa loob.

Agad ko namang nilock ang kotse ko at mabilis na pumasok na rin sa loob.

Kilala na ako ng pamilya nya dahil madalas kaming dito tumambay kasama sina Lui at Gerone.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now