CHAPTER 20

56 7 0
                                    

MAYA's POV

"Saan ka pupunta?" Biglang tanong ni Dwayne nang palabas na ako sa bahay nila.

"May importante lang akong pupuntahan." Walang reaksyon o maski emosyon ko syang sinagot.

Lumapit ito sakin saka sya nagtatakang tiningnan ako.

"Saan naman?"

"Basta.. Babalik din agad ako. Importante lang talaga to." Sagot ko na syang ikinatango nya.

"Sige. Mag-iingat ka." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

'Dapat ba akong umasa Dwayne? Dapat ba akong umasang may pag-asa pa tayong dalawa?'

Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang saka ako lumabas na.

BROOOOOM*

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko hanggang sa makarating ako dito sa training center.

TAE KWON DO training center

Napapabuntong hininga akong binabasa ang karatula sa harapan ng T.C.

"Maya Shane??" Gulat akong napatingin sa tumawag sa pangalan ko. "It's been a long time.." Nakangiting sambit pa nya saka nya ako tiningnan sa kabuoan ko.

"Hans, ikaw pala." Pilit na ngiting gawad ko sa kanya.

Si Hans, kaibigan namin noon ni Dwayne. Sya lagi yung nakakasama namin dito sa T.C. Kaso sa kasamaang palad, umalis si Dwayne, iniwan nya ako. Di ko man lang alam ang dahilan nya kung bakit pero nangako syang babalikan nya ako.

"Kamusta ka na?—At anong ginagawa mo rito? Babalik ka na ba ulit?" Masayang tanong nya. Mabilis akong umiling.

"Ok lang ako at saka May kakausapin lang." Walang ganang sagot ko sa kanya kaya napatango naman ito.

"Sino?"

"Si coach." Tipid na sagot ko at iniwan na sya roon sa labas. "Teka Maya—kayo pa rin ba ni Dwayne??!" Habol pa nya ngunit di ko na pinagtuunan nang pansin.

Pumasok na ako at walang pakealam na naglalakad papasok.

"Wacky!!" Tawag ko kay Wacky habang nasa may pantry.

Si Wacky ay assistant ni coach. Close ko sya dati noong nandito pa ako.

"Oh Maya—long time no see buddy."Masayang bati nya sakin saka nya ako linapitan. May hawak pa syang isang mug na kape.

"Nandyan ba si coach?" Di ko pinansin ang sinabi nya kaya tinanong ko na lang sya.

"Nasa loob. Busy sa pagtre-train sa mga bagong bata ngayon." Sagot nya na tinanguan ko naman.

"Kamusta ka na? Kayo pa rin ba ni Dwayne?"

Napabuga ako ng hininga sa hangin dahil sa tanong nya. Gulat naman syang napatingin sakin.

"Ok lang ako.. Wala na kami ni Dwayne."Walang emosyon na sagot ko saka na ako naglakad papunta sa main room ng T.C.

Pagkapasok ko ay agad kong narining ang mga sigaw ng mga batang nag-aaral na mag-Tae kwon do.

"Hayya! Ha!"
"Haaaaaayyyyyaaaa!!"
"Haaaa!"
"Aaarrgghh!"
"Bilisan mo pa Asche! Ganyan nga!"
"Ikaw naman Loyd! Umilag ka lang saka mo banatan si Asche!"

Napatingin ako kay coach habang tinuturuan ang dalawang batang lalake sa ring.
Wala pa ring pinagbago ang T.C. Gaya pa rin nang dati.

"Si ate Maya!—coach si ate Maya nandito!!" Napatingin ako sa pamilyar na boses na yun. "Ate Maya!" Sigaw pa nya kaya ngumiti ako sa kanya ng tipid saka ako lumapit sa kanya. Ganun din si coach.

COLD INTO HOT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon