CHAPTER 46

48 8 0
                                    

MAYA's POV

"Hindi ko gustong sagot-sagutin mo ako ng ganun kanina, Shane!" Sigaw agad sakin ni Auntie nang makarating na kami dito sa loob ng faculty.

Lahat ng miyembro ng pamilya ay nandito maliban kay daddy na patay na.

"Ano bang pinakain sayo ng pamilya Lorenzo at ganyan ka na ngayon kabastos?" Dagdag pa niya.

Nakayuko lang ako habang nakatayo sa gilid. Nakaupo naman si Principal sa puwesto niya at magkakatabi naman sina Merol, uncle Victor at auntie Victoria. Kaharap naman nila si Zu fu Shin Lin Yi ngunit may isang metro lang silang pagitan.

Kasama din ang pamilya nina Gansa ay nandito din sila ngunit nasa pinakagilid silang lahat habang tahimik lang silang nakayuko din. Si Mac Dave naman ay nasa tabi ng mommy niya habang nakatayo ito. Ramdam ko naman ang awkwardness sa pagitan ng pamilya Amethyst at pamilya Villanueva.

"Inborn sakin ang pagiging bastos kaya huwag mo ng tanungin pa, Auntie Victoria." Seryoso at may kasamang diin pa sa pangalan niyang sagot ko.

This time ay nakaangat na ang paningin ko sa kanila at kay Auntie Victoria lang ang paningin ko. Nakakaramdam na rin ako ng inis at galit sa loob-loob ko habang nakatitig ako sa kaniya. Parang nag-fla-flash back lahat ng nangyari noong namatay ang mga magulang ko.

Gusto ko siyang sigawan at pagbubugbugin kaso ay may respeto pa rin akong natitira sa kaniya bilang kapatid ng daddy ko at bilang nanay ng pinsan ko.

"Sumusobra ka na talaga, Shane.. Ano bang pinagmamalaki mo? Ang pagiging Delos Reyes mo? Ha! Baka nakakalimutan mo, wala na ang daddy mo kaya wala ka ng dapat pang ipagmalaki."

Nangilid bigla ang luha ko ng marinig ang sinabi niya. Kinuyom ko pa ng bahagya ang kamao ko habang kagat-kagat ko ang pang-ibabang bibig ko sa pagtitimping huwag siyang saktan.

Pinipigilan ko din ang pag-iyak ko dahil alam kong maya't maya ay babagsak na ang mga ito.

Galit at puot ang namumuo sakin ngayon. Parang may sampung demonyo ang sumanib sakin at hindi ko na mapigilan pa ang magalit sa kaniya. Kinamumuhian ko siya.

"Wala na nga siya." Blankong tinging sagot ko sa kaniya. Pigil pigil ko ang paghikbi at pagbagsak ng mga luha ko. Ayaw kong makita nila akong mahina. "Pinatay mo siya, hindi ba?" Ngayon ay nakangisi na ako sa kaniya.

Gulat naman siyang tumitig sakin saka siya napatingin kina Zu fu at Principal.

"Shane!" Galit na sigaw naman sakin ni Principal.

Tss. Tanda.

"Hindi ka ba titigil??" Tiim bagang na tanong pa niya.

Hindi ko siya sinagot at nakipaglaban lang ako ng titigan sa kaniya.

"Bakit mo pinagbibintangan ang auntie Victoria mo, Shane?" Nagtatakang tanong ni Uncle sakin.

Naagaw niya ang atensyon ng lahat kaya napatingin ako sa kaniya. Walang kaalam alam si Uncle dahil ngayon kinakampihan niya ang taong pumatay sa pinsan niya. How sad, Uncle.

"Bakit hindi mo siya tanungin, Uncle?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya saka ako napatingin ulit kay auntie.

Bahagya pa ring nakaawang ang bibig ni auntie habang mulat na mulat ang mga mata niyang nakatingin sakin.

Ngayon mo sakin sabihin ngayon na wala kang kasalanan.

"Shane, hindi tama na pinagbibintangan mo ang sarili mong kadugo sa pagkamatay ng mga magulang mo." Sabat naman ni Zu fu.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now