Chapter 68

47 6 0
                                    

SILVER's POV

"Ngayon ka lang ba dito?" Tanong sa akin ng babaeng kanina pa nakikipag-usap sa akin ngunit hindi ko pinapansin.

Kumakapit pa siya sa braso ko pero tinatanggal ko rin, kaso makulit talaga. Mukha pa naman siyang may anak na, kaso maganda pa rin pangangatawan. Ngunit binalewala ko lang.

"Ako nga pala si Maricar, MC na lang for short." Malanding usal niya pa.

Wala ako sa mood makipagkwentuhan, naglakad ako paalis doon pero mukhang hindi pa rin siya tumitigil sa pagsunod.

"Wait. Ano nga pala pangalan mo?"

Hindi ako sumagot, marahil ay bored lang ang babaeng 'to kaya ako ang nakita niyang pagtripan.

"Don't follow me!" Sigaw ko sa kaniya na ikinatigil niya.

"Wow. You're interesting, ha?" Namamangha pang usal niya.

"Wala akong panahon sa trip mo. Umalis ka sa harapan ko at baka makalimutan kong babae ka." Galit na galit na sigaw ko sa kaniya.

"Hindi mo ako matatakot." Malandi pa rin sa tuno'ng aniya.

Tinalikuran ko na lang siya at bumalik na lang ako sa hotel. Wala akong masabi, masyado siyang confident sa sarili niya.

"Saan ka galing?" Bungad na tanong ni Lui sa akin.

Tapos na silang maligo at nandito sila sa may living room maliban kay Ibon. Napatingin pa ako sa paligid ngunit wala siya.

"Nasa kwarto na siya, nagpapahinga. Ayaw mong kausapin, eh." Mukhang nakuha ni Freya ang mga tingin ko.

"Hindi ko tinatanong." Walang ganang sagot ko at hindi na sila pinagtuunan ng pansin.

Naglakad ako papunta sa kwarto namin ngunit hindi pa ako nakakalagpas sa kwarto nina Ibon ay nakakarinig na ako ng boses sa loob. Mas lumapit ako sa may pinto para marinig kung sino ang nagsasalita.

[Hindi ka pa ba umiinom ng gamot mo?] boses ni Ibon iyon, hindi ako pwedeng magkamali.

[Hindi ka na bata pa, Dwayne. Huwag mo na ipadurog 'yang capsule. Ikaw pa durugin ko diyan, eh.]

Dwayne? All this time si Dwayne pa rin ang mahal  niya? Akala ko pa naman ay gusto niyang magkaayos kami? Tapos may pa-Dwayne-Dwayne pa siyang nalalaman? Ang kapal naman ng mukha nang Ibon na 'yan. Fvck!

[O sige, magpahinga ka na pagkatapos mong uminom ng gamot. Magpapahinga na rin ako.]

Matapos kong marinig iyon ay lumabas ulit ako ng hotel para magpalamig ng ulo. Sa paglilibot ko dito sa labas ay nakakita ako ng maliit na bar sa may di kalayuan. Mukhang may mga nagkakasiyahan din doon.

"You again?" Masayang kausap sa akin no'ng babae kanina na mukhang ito si MC.

"Ano naman sa'yo?" Walang galang na tanong ko sa kaniya.

Tumawa siya ng mahina saka niya pinisil ang pisngi ko.

"Ang cute mo naman magalit. May problema ka siguro, 'no? Badtrip?"

Hindi ko siya sinagot at nagtungo lang ako sa bar stole para humingi ng maiinom. Tumabi siya sa akin at humingi rin siya ng lady's drink.

"You know what, sayang lang 'yang kapogi'han mo kung magpapakain ka lang sa problema mo. Dapat nga ineenjoy mo ang gabing ito, eh."

Wala pa rin siyang tigil sa kakakuda. Hindi ko ulit siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-inom ng alak na binigay sa akin.

"May girlfriend ka ba? Siya ba ang dahilan kung bakit mukhang badtrip ka?"

COLD INTO HOT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon