CHAPTER 31

76 7 3
                                    

MAYA's POV

Walang kagana-ganang pinapanood ang tatlo habang nagkwekwentohan sila dito sa table namin dito sa canteen. Pansin ko rin ang ibang estudyanteng na nakatingin dito sa gawi namin na parang nagbubulungan pa.

Ilang minuto lang ay natapos na sila sa kakakwento kaya napagpasyahan na naming bumalik na sa classroom namin. Pagtapat na pagtapat namin sa pintuan ng room namin ay biglang umulan ng maraming nilukot na papel sa mga mukha namin.

'Tsk. Isa itong kalokohan.'

Walang kagana-ganang hinawi ko sina Freya at Monicqe sa pinakaharap kaya muntik pa silang matumba. Tumigil ang mga kaklase naming nagbabatuhan at tiningnan ko sila isa-isa. Natigil ako sa isang taong kinamumuhian ako ng sobra. Isang napalaking Gansa ang nakangisi na animong parang isang demonyo na nakatingin deretsu sakin.

'Alam kong ikaw ang may pakana nito, shutangina ka!'

Blankong tinadyakan ko ang isang nilukot na papel sa harapan ko at lumipad ito. Malakas ang pagkakatadyak ko kaya tumama ito sa noo ni Gansa. Biglang nagbungis-ngisan ang mga kasamahan ko kaya tiningnan ko sila ng masama saka mabilis na binalingan si Gansa.

Kahit na gulat ito kanina ay biglang nawala at napalitan ng nakakalokong ngiti. Tumayo sya at may kinuha sa bulsa nya ngunit sakin pa rin ang tingin nito. Hawak na nya ngayon ang cellphone nya at hindi man lang niya ito tiningnan nang may pindutin siya roon. Nanatiling nasa likuran ko ang mga kaibigan ko at mukhang wala man lang silang magawa. Tahimik ang buong paligid at sakin ang mata ng kahalating bulto ng tao at kalahati naman kay Gansa.

"Dalhin niyo na sakin yan! Bilis!" Makapangyahirang utos ni Gansa mula sa cellphone niya na mukhang may tinawagan. Nakangisi ito habang deretsung nakatingin sakin. "Akala mo siguro, hindi na ako gaganti sa'yo noh? Tsk. Nagkakamali ka. Dahil hindi pa tayo tapos!" Masama at mukhang may binabalak na masamang sigaw niya sakin. Ngumisi lang ako pabalik at inutusan sina Freya na maupo na. Wala naman silang nagawa at umupo na sila.

Akmang lalapit na sana ako kay Gansa nang maramdaman ko ang pagbato sa likuran ko ng basang bagay. Kaya napatingin ako roon at kita ko ang dalawang lalakeng nakahawak ng maliliit na lobong may tubig sa loob. At mukhang hindi basta-basta tubig, may kulay ito. At pula pa! Tsk! Mga gagu!

Masama ko silang tiningnan ngunit di sila natinag. Binato ulit nila ako sa bandang tiyan ko kaya naramdaman ko ang bahagyang sakit nun. Lumapit sa kanila si Gansa at kinuha ang mga lobo sa mga kamay nila at may kasama pa palang plastic bag na may laman ding maliliit na lobo.

'Shuta, anong kalokohan 'to?'

"Gusto kong makipaglaro sa'yo, Ibon." Nakangisi ngunit nakakalokong sambit nito habang nilalaro ang isang lobo sa bandang kaliwang kamay niya. "Pero ayaw kong pinaglalaruan ako kaya ikaw na lang ang paglalaruan ko. hahahaha!" Aniya pa saka niya ako pinagbabato ngunit di ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

Basang basa na ako at kulay pula na ang damit at pantalon ko. Sobrang naiinis ako ngunit di ko pinakita sa kanila dahil ako mismo ang matatalo. Rinig ko pa ang bungis ngisan ng mga kaklase ko at sa mga estudyanteng napapadaan dito sa tapat ng room namin.

"Maya!" Rinig kong sigaw ni Freya ngunit agad akong sumenyas habang nakatalikod ako sa kanila na huwag siyang mangengealam.

'Shutangina naman kase!! Dapat kanina pa nandito yung lecturer namin eh! Putek! Malilintikan siya sakin mamaya! Tss.'

"Ano? Di ka ba lalaban?" Pang-aasar pa niya sakin habang pinagbabato niya pa rin ako.

Ramdam ko na rin ang sakit sa buong katawan ko dahil sa lakas ng pagkakabato nya ngunit sinawalang bahala ko. Ayokong mas magmukhang bata sa aming dalawa dahil ang ginagawa niya ngayon ay gawain ng isang batang 5 years old.

COLD INTO HOT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon