CHAPTER 34

61 9 0
                                    

SILVER's POV

"Hatid na kita sa room niyo." Nakangiti paring suhestyon ko kay Ricca nang naglalakad na kami palabas nang canteen.

Umiling lang siya at hindi niya ako pinapansin. Ganun din si Gerone na animong mag-isa lang siya.

"Hanggang ngayon pa rin ba hindi pa rin kayo naniniwalang wala akong kinalaman sa nangyari kay Ibon?" Naiinis na tanong ko sa kanila.

Malalaki ang hakbang nila ni Gerone kaya mabilis kaming nakarating dito sa may tapat nang building nang mga Senior.

Hanggang sa natigil si Ricca sa paglalakad at tumingin sakin nang masama. "Hangga't hindi ko nalalaman na wala ka ngang kinalaman sa nangyari ay hindi kita paniniwalaan." Seryosong sambit niya at binilisan na niyang maglakad patungo sa room nila. Tumigil naman si Gerone at inilingan ako saka na rin umalis pasunod kay Ricca.

"Aaarrrgghh.." napapasabunot na lang ako sa sarili kong buhok sa sobrang inis sa Ibon na yun. "Damn it! Damn it!!"

Lahat na lang nang mga taong dapat kumakampi sakin ay sa kanya na kumakampi. Hindi ko sila maintindihan. Bakit sila pa ang galit sakin? Wala silang ebidensya pero nagagalit na agad sila.

"Silver.." natigil ako sa pag-iisip at napatingin ako kay Lui. Mukhang galing sya sa kung saan. "Aalamin ko kung sinong may gawa nun sa kanya."

Batid kong si Ibon ang tinutukoy niya pero wala akong naramdamang takot sa pagiging seryoso niya. Linagpasan na lang niya ako kaya hindi na rin ako nag-atubiling magtungo sa classroom namin.

Pagkarating ko rito sa di kalayuan ng room namin ay nahagilap ko na sina Ibon at yung asawa niya na mukhang may binibigay pa ang lalake na gamot.

Wala pa ring emosyon ang mukha nang Ibon habang nakatingin siya sa gamot na binibigay nung lalake. Nakatalikod sakin ang lalake at nakaharap naman si Ibon.

"Inabala ka ni Freya." Blankong kausap niya sa asawa.

"Sabi ko naman sa'yo, kahit nasa kalagitnaan pa ako ng klase ko, tatakbuhan kita para tulungan." Sinserong aniya nang lalake.

Napapangisi na lang ako sa kanila. Sadyang ang lalake lang ang sweet at mukhang walang kasweet-sweet ang Ibon.

"Hindi ko naman sinabing tulungan mo ako." Malumanay ngunit may inis na sagot ni Ibon sa kaniya.

"Kunin mo na lang 'tong gamot na binili ko para sa'yo. Huwag ka ng kakain ng kung ano-ano para di ka sinasamaan ng tiyan." Pagpapaalala pa niya sa kaniya.

"Tss." Singhal nito saka kinuha ang gamot.

Hinawakan naman nang asawa niya ang ulo ni Ibon. "Sa susunod na maglulunch kayo ng mga kaibigan mo, sabihin mo sakin para samahan ka. Ako ang bibili ng pagkain mo para hindi na sasakit yang tiyan mo."

Napasinghal ulit si Ibon sa kaniya saka niya ito marahas na tinanggal ang pagkakahawak nang asawa niya sa ulo nito.

"Hindi mo ako kailangang paalalahanan. Kaya ko ang sarili ko." Blankong sagot nito.

"Oo. Alam ko yan. Pero kailangan mo pa rin ako. Maliwanag?" Maawtoridad na sagot naman ni Mac Dave kuno.

"Tss. Nakakailang paalala ka na ba sakin? Umalis ka na at may klase ka pa, papasok na rin ako."

"Sige. Pumasok ka na at aalis na rin ako pagkapasok mo."

"Hindi na. Umalis ka na lang, papanoorin kitang maglakad paalis."

COLD INTO HOT Donde viven las historias. Descúbrelo ahora