CHAPTER 65

75 9 4
                                    

SILVER's POV

"Heto pala yung regalo ko." Walang emosyong ibinigay sakin ni Ibon ang regalo niya sakin.

Kakauwi lang ni Khiel dahil kailangan pa niyang maturukan ng gamot. Hindi ko maiwasang mag-aalala sa babaeng 'yon. Ngayon na nga lang siya nagpakita samin at sa birthday ko pa niya napili. Pero okay lang 'yon, mas okay na sa birthday ko siya nagparamdam. Malaking regalo na 'yon para sakin.

"Bakit ka pa nag-abala na bumili ng gan'to? Sinabi ko ba? Hindi ba sa'yo sinabi nina Lui at Gerone na ayaw kong regaluhan mo ako?" Medyo naiinis nang usal ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita at bumuntong hininga lang. Nasa table na rin kami ng mga kaibigan namin. May mga bumabati sakin kanina pero ngayon ay pauwi na rin ang iba.

"Hey. I'm talking to you. Are you listening?"

Hindi pa rin siya nagsasalita at mukhang ang lalim ng iniisip niya. Sanay na ako sa gan'tong ugali niya pero sana man lang ay hindi niya ito gawin sakin ngayon. It's my special day.

"Hayaan mo muna siya." Bulong sakin ni Manok kaya napabuntong hininga na lang ako at walang nagawa kundi ang intindihin ulit siya.

Laging ganito na lang ba? Tch.

"Uhm... Birthday boy.. Heto nga pala yung gift ko sa'yo. Sana magustuhan mo." Agaw pansin sakin ni Gerone.

Kinuha ko naman sa kaniya at nag-thank you.

"Ito rin yung akin. Oh."

Kinuha ko rin kay Lui ang regalo niya para sakin. Umabot na binigay na nilang lahat sakin ang mga regalo nila at puro thank you lang ang sinasabi ko.

Hanggang sa natigil ang lahat at napatingin sila kay Ibon na tahimik pa rin at malalim ang iniisip.

"Tss. What?" Walang emosyong tanong niya samin.

Tinanggal niya ang pagkakahalukipkip at biglang tumayo. Napatingala ako sa kaniya at nagtaka kung bakit bigla na lang siyang tumayo.

"I need to go. May gagawin pa ako bukas ng maaga." Wala pa ring emosyong usal niya at tumingin kay Manok.

"A-ahh.. Oo nga pala.. Sige, Gansa, ha? Kailangan na kase talaga naming umalis. Mauuna na kami." Natatarantang usal din ni Manok at tumayo na.

"Happy birthday ulit." Parang lalakeng kausap sakin ni Ibon.

Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin. Birthday na birthday ko pero ganito siya ngayon sakin? Ba't nanlalamig siya? Anong nagawa ko? Ang alam ko ay okay naman kami kanina.

"Hindi ka aalis hangga't hindi mo sakin sinasabi kung anong nangyayari sa'yo." Matigas na pigil ko sa kaniya nang akmang maglalakad na siya paalis.

"Pagod na ako." Blanko pa rin ang mukha niya na parang walang pakealam sa nararamdaman ko.

"Anong pagod? Eh halos isang beses nga lang tayo nagsayaw kanina!"

"Silver.." pigil sakin ni Lui at tumayo pa siya sa pwesto niya.

"Not this time, Lui." Suway ko sa kaniya at hinawakan sa braso si Ibon.

"We need to talk before you go." Hinila ko siya at hindi naman siya pumalag.

May mga taong napapatingin samin at nagbubulungan. Pero wala na akong pakealam pa sa kanila.

"Ano pa bang pag-uusapan natin, Gansa?"

Nasa loob na kami ngayon ng bahay at salamat sa Diyos at walang katao-tao ngayon dito. Marahil ay busy sila sa mga bisita ko.

COLD INTO HOT Donde viven las historias. Descúbrelo ahora