CHAPTER 77

49 2 0
                                    

MAYA'S POV

Kinabukasan ay naghanda na kami agad para sa flight papuntang China. Doon kami ikakasal sa pangalawang pagkakataon.

"Babybabe, madali lang ba ang kultura niyo roon? Baka kasi magkamali ako," kanina pa tanong ng tanong si Gansa tungkol sa kasal namin sa China.

"Don't worry, iho, we will guide you there. Madali lang namang sundin ang tradition namin doon," si Senior ang sumagot sa kaniya.

Nasa hapag kami ngayon, katatapos lang naming mag-empake ng mga gamit.

"Hindi pa rin po nawawala ang kaba, Senior."

Natawa naman ang iba sa amin. Pati ang mga magulang ni Gansa ay nakitawa na rin.

"Masyado ka namang kabado, anak. Nandoon naman si Shiney, eh, right Shiney?" ani mommy, mommy ni Gansa.

"Yes po," napatingin ako kay Gansa na humawak sa kamay ko. "Kumain ka ng mabuti," kausap ko sa kaniya.

Ngumiti siya at ngumuso-nguso pa.

"Kiss ko muna."

Agad na nagsitikhim ang pamilya namin. Sinuway ko naman si Gansa sa iniaasta niya.

"Nasa hapag tayo, di ka man lang nahiya," bulong ko pa. Tinawanan lang niya ako.

Dahil may sariling eroplano ang pamilya ko, hindi na namin pa prinoblema ang flight namin.

4 hours and 15 minutes lang ang tinagal ng flight namin.

"Welcome to Beijing China!" Sigaw pa ni Leinard.

Lahat sila ay sumama rito sa China. Kanina pa nila sinasabing excited na silang makapunta rito sa China.

"Magpasalamat tayo kina Maya at Silver dahil nakarating na rin tayo rito sa China," si V-jay.

Nagkatuwaan silang lahat habang hinihintay ang sasakyan papunta sa Mansion ng mga Amethyst dito sa China. Amethyst din naman ako, hindi lang ako sanay na tawaging Amethyst ang sarili ko.

"Nakakapagod sa pagbyahw 'no?" Bulong sa akin ni Gansa kaya napatingin ako sa kaniya.

Para siyang nang-aakit na ewan. Tangina talaga 'to.

"Tapos?" Walang emosyong tanong ko. Ngumuso na naman siya. "Masasapak talaga kita, Villanueva." Banta ko sa kaniya.

Pinatong naman niya ang ulo niya sa balikat ko, hinayaan ko na lang din siya.

"Dre, dito niyo na rin ba planong mag-honey moon?" Rinig kong kausap ni Gerone kay Gansa.

Binalewala ko lang, alam ko namang puro kalokohan na naman ang pag-uusapan nila.

Dumating na rin ang sasakyan namin papuntang mansyon. Sa kabilang van sina Senior, kasama ang pamilya ni Gansa. Dito naman kami sa kabilang van, kasama ang mga kaibigan namin.

Sina V-jay na naman at Leinard ang nangunguna sa paingayan ng bunganga.

"Excited na 'ko kung ano bang itsura ng mansyon nina Maya dito sa China. Kung sa Pinas may fourth floor, paano naman kaya rito?" Si Leinard.

Binatukan naman siya ni V-jay.

"Boba! Di ka makapag-hintay? Makakarating na nga tayo doon, eh."

"Kanina pa kayo sa eroplano. Kulang na lang magpatayan kayo," sabat ni Freya sa kanila.

"Che, manahimik ka nga diyan! Di ka naman namin kinakausap, eh." Suway ni Leinard sa kaniya.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now