CHAPTER 7

80 9 0
                                    

MAYA's POV

"Sumusobra ka na talaga, Maya Shane Delos Reyes!!" Sigaw sakin ni lolo na kumpleto pang binanggit ang pangalan ko habang nandito ako ulit sa office nya.

May nagsumbong sakin na kaklase kong sinasaktan ko daw si Silver.

"Tss. Alamin mo muna ang buong kwento bago ka makasigaw dyan." Walang gana kong sagot sa kanya pero kalmado lang na parang wala akong pake sa kanya.

Tumayo naman sya sa pagkakaupo at dinuro ako.

"At talagang di mo na ako ginagalang ha?? Lolo mo ako at principal ako dito!! Bigyang kahihiyan mo naman ang apilido natin!" Sigaw nya pa na dinuro pa ako. Tumayo rin ako sa pagkakaupo at nginisihan ko sya.

"Bigyang kahihiyan? Bakit? Kailan ka rin ba nahiyang sigawan ako?" Sarkastiko kong tanong sa kanya kaya napabuntong hininga sya ng marahas.

"Bakit naman ako mahihiyang sigawan ka ha? Apo lang kita at ako pa rin ang lolo mo. At ako ang masusunod!" Sigaw pa nya kaya mas lalo ko syang nginisihan.

"Hmm. Apo mo nga lang pala ako. And ang mas worst pa, hindi tanggap sa pamilya. Kaya nga hindi mo ako maipakilala sa pamilya mo eh."Kalmadong sagot ko sa kanya ngunit nakangisi pa rin.

"Hindi talaga kita ipapakilala hangga't di ka nagbabago." Sagot naman nya.

Napailing-iling naman ako at napatawa na hindi makapaniwala sa sinabi nya.

"Ano namang babaguhin ko? Ganito ako pinanganak kaya walang dapat magbago sakin."Sarkastiko kong sagot sa kanya. Lumapit naman sya saka nya ako tinitigan ng masama.

"Meron, Shane.. Ikaw lang ang namimilit na walang dapat baguhin sayo. Pero ang totoo nyan ay marami.. Marami." Naka-ismid nyang sagot sakin. Napaupo naman ako saka ako napasapo sa noo ko sa sobrang inis.

Sabi ko naman kaseng puro na lang mali ang nakikita nila sakin eh.

"Kayo ang namimilit. Kilala ko ang sarili ko at mas kilala ko ang ugali ko kesa sa inyo na kailan lang na nakilala ako."
Malumanay ngunit may galit na sambit ko habang nakasapo pa rin ako sa noo ko.

"Shane." Parang nagsusumamong sambit nya sakin pero tumayo na ako at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

Hanggang sa di ko namamalayan na nasa field na pala ako. Dating gawi ay napaupo ako sa lilim ng punong manggang tinatambayan namin ni Freya tuwing nabobored kami.

"Ako na lang palagi ang mali sa mga mata nyo." Naiusal ko habang nakapikit at nakasandal sa punong mangga. "Hindi ko na alam kung saan ba dapat ako lulugar sa mga buhay nyo." Naluluhang sambit ko pa habang nakapikit pa rin.

"Nawala sina mommy at daddy dahil sa kagagawan nang pinakamamahal na anak ni lolo na kapatid ni daddy."At ngayon ay napaluha na ako. Pero agad ko ring pinunasan. "Tapos kung makapagsalita sya akala mo kung sino? Tsk. Makakapaghiganti din ako." Bulong ko pa saka ako natigil nang may maramdaman akong papalapit sakin.

"Delos Reyes?" Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang apilido ko.

"Oh?" Matigas na tanong ko sa kanya at bahagya ko pang inayos ang pagkakaupo.
Nagkunwarihan pa akong walang nangyari.

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?" Tanong nya sakin na tumabi pa sya sa pagkakaupo ko.

Lumayo naman ako ng bahagya sa kanya dahil di naman kami close.

"Lui Ren Jacinto pala.." Saad nya na linahad pa sakin ang isa nyang kamay.
Tinitigan ko naman ang kamay nya na nakalahad pa rin sakin. "Walang dumi yan." Nakangiting usal pa nya nang mapansin nyang nakatitig ako sa kamay nya.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now