CHAPTER 58

59 8 0
                                    

MAYA's POV

Matapos ang weekend ay lunes na naman. Masakit pa ang buong katawan ko dahil sa pagtratrabaho ko sa Resto Bar nina Monicqe noong sabado at Linggo.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko dito sa kusina nang marinig ko ang nabasag na vase sa may sala. Agad akong tumayo at nagtungo sa may sala nang makita si Aspen na pinupulot na ang vase na nabasag.

"Aspen, huwag mong pulutin, baka masugatan ka." Babala ko sa kaniya nang nakakadalawa na siyang pulot.

Tumayo siya at linagay sa lamesa ang napulot niya saka pinampag ang kamay niya sa sariling damit. Tumingin siya sakin habang nakangiti.

"I don't know na mabibitawan ko kaya nabasag." Nakangiti pa ring saad niya.

Weird.

"It's ok. Sayo ba yan?" Walang emosyong tanong ko sa kaniya. Tumango ito saka kinuha ang dustpan at walis tambo sa gilid ng pader.

"Kumain ka na dun para makapasok ka na. Baka lumamig pa ang pagkain mo." Usal niya habang ginagawa ang trabaho niya.

Hindi na ako nagsalita pa at nagtungo na ulit ako sa kusina para kumain. Pagkatapos ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan ko saka na nagsipilyo. Natapos na akong maligo at kukunin ko na lang ang bag ko sa kwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko.

'Unknown number'

Napakunot noo ako nang makitang walang nakaphonebook na pangalan ang tumatawag.

"Oh?" Parang lalakeng sagot ko sa tumatawag.

Walang nagsalita at napabuntong hininga lang siya. Ilang segundo pa ang hinintay ko pero wala talagang sumasagot sa kabilang linya.

"Who's this?" Tanong ko pa.

Nawawalan na ako ng pasensya. Nakuha ko na rin ang bag ko, jacket, helmet at susi ng motor ko. Pababa na ako ng hagdan habang nasa tainga ko pa rin ang cellphone ko.

"Tss."

Gusto kong mapamura dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sumasagot.

"Ibababa ko na ito kung hindi ka pa sasagot!" Banta ko sa kaniya pero mukhang wala talaga siyang balak na magsalita kaya binabaan ko na siya ng tawag.

"Isturbo." Usal ko pa habang sinusuot ang helmet at jacket ko.

*broomm!*

Nasa tapat na ako agad ng paaralan namin nang may bumusina sa tabi ko na kotse. Napatingin ako sa driver's seat habang pababa na ang windshield nito.

Si Gansa.

Parang nung last friday lang siya may ginawang hindi ko nagustuhan pero ngayon ay may gana pa siyang magpakita sakin. Tss.

"Ibon." Tawag niya nang naglalakad na ako papasok sa campus. Hindi ako tumigil sa paglalakad. "Ibon, please, let us talk." Habol pa niya mula sa likuran ko.

Mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa mapadpad na kami dito sa may tapat ng building namin. Maaga pa kaya wala pa masyadong estudyante na palakad-lakad dito sa loob ng campus.

"Kahit isang minuto lang, please." Pakiusap pa niya habang paakyat na kami sa paunang hagdanan.

Tumigil ako at hinarap siya. Dalawang hakbang na lang ay makakarating na kami sa second floor.

"Tell now!" Utos ko sa kaniya.

Napakunot noo siya pero nawala din at bumuntong hininga.

"Hindi ako nakatulog ng maayos sa tatlong gabing nagdaan nang dahil sayo!" Pauna niya. Tinuro pa ako. Galit siya o ewan. Hindi ako umimik at hinintay siyang may idugtong. "Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko kung ano 'tong nararamdaman ko sayo!" Nakaturo pa rin siya sakin. Nanggagalaiti na siya sa galit.

COLD INTO HOT Où les histoires vivent. Découvrez maintenant