CHAPTER 19

56 9 0
                                    

FREYA's POV

Kamusta na kaya si Maya? Sobrang alala na talaga ako sa kanya. Sana ok lang sya. Sana meron na syang nahanap na tutuluyan nya.

"Babygurl ok ka lang? Kanina ka pa pabalik-balik dyan sa kinatatayuan mo."Nag-aalalang tanong sakin ni mommy habang palakad-lakad ako ng pabalik-balik dito sa may sala.

"Mom, Nag-aalala ako sa pinsan ko.. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa kanya ngayon. Paano po kung may nangyari na pong masama sa kanya? O di kay nakidnap? Kase yung motor nya nakita ko sa gilid ng kalsada kagabi habang umuulan."Dere-deretsung sagot ko kay mommy kaya linapitan nya ako saka nya ako pinaupo sa sofa.

"Kilala mo si Maya, baby.. Hindi nya hahayaang mangyari yun sa kanya. Mas malakas pa sya kesa kay Jackie Chan noh. HAHAHA." Tumawa pa si mommy kaya napairap ako ng palihim sa kanya.

"Mom, Jackie Chan was her favorite actor in china, kaya nga malakas yun manapak at mangtadyak eh." May inis na sagot ko rin kay mommy pero di pa rin nya inalis sa labi nya ang ngiti.

"Malakas si Maya. Alam kong babalik yun kung gusto nya." Malumanay na usal nya kaya napabuntong hininga naman ako.

MAYA's POv

Habang namamahinga ako ay biglang may kumatok kaya sapilitan ko itong pinagbuksan.
Kinukusot kusot ko pa ang isa kong mata nang mapagbuksan ko na sya ng pinto.

"Kain na tayo." Nakangiting sambit nya kaya tumango-tango ako saka ako lumabas na.

"Kamusta naman tulog mo?" Tanong sakin ni Dwayne kaya napatingin ako sa kanya habang naglalakad na kami pababa.

"Hmm. Ok lang naman." Walang reaksyon na sagot ko sa kanya.

"Kanina napakacold mo lang sakin pero ngayon nakangiti ka na."

Naiusal ng isip ko habang nakatingin sa sahig na naglalakad.

"Mabuti kung ganun."

"Kain na." Malamig na tawag ni tita samin habang kay Dwayne sya nakatingin.

Alam kong ayaw sakin ni tita Dianna dito pero wala akong magawa kundi magtiis muna.

"Salamat po tita."Naiusal ko habang paupo na ako sa upuan ko.

Tumingin lang ito sakin saka nya ako tinanguan na wala man lang ngiti sa labi.

"Uhm.. Maya, gusto mong mapanood mamaya yung dinownload kong action movie na bago ni Jackie Chan sa laptop ko?"

Shet! Namiss kong manood ng ganun ah? Ang huling pagkakaalala ko na nanood ako ay noong kami pa ni Dwayne. Noong dinadala pa nya ako dito sa bahay nila.

Naging paborito ko si Jacki Chan dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Malakas at walang inuurungan na laban.

Nag-ta-Tae kwon do ako noon. Madalas akong mag-train dahil gusto kong sumali sa mga labanan. At para madepensahan ko ang sarili ko sa tuwing may panganib.

"Mmm. Sige.." Napapatangong sagot ko sa kanya kaya tinanguan din nya ako saka na kami kumain.

"Kailan ka aalis?" Napatingin ako kay tita nang bigla syang magtanong. Alam kong ako ang tinatanong nya dahil sakin sya nakatingin.

"M-ma..." Pigil ni Dwayne sa kanya ngunit mas tumalim ang tingin sakin ni tita na hinihintay ang sagot ko. Tumingin pa muna ako kay Dwayne na mukhang nag-aalala.

"H-hindi pa po ako s-sure tita kung kailan." Mahina ngunit sinigurado kong maririnig nila.

"Mas mabuting isang buwan ka na lang dito. Hahanapan ka ni Dwayne ng matitirhan mo." Malamig na sagot nya kaya napalunok ako. Nanginginig na naman ang buong katawan ko sa sobrang inis at sobrang galit.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now