CHAPTER 4

120 12 0
                                    

SILVER's POV

Naiinis ako sa babaeng mukhang lalake na yun!! Talagang napakayabang. Akala mo kung sino kung makaasta.

Hindi ata nya alam na ako ang anak ng may-ari ng pinapasukan nyang paaralan? Tsk.

"Silver, ano bang kasalanan sayo nung babaeng yun? Bakit ganun na lang kung magalit ka sa kanya?" Tanong bigla ni Lui na dakilang taga-awat samin nung babaeng yun kahapon.

"Isang napakayabang na babaeng akala mo kung lalake makaasta." May halong inis na sagot ko sa kanya.

Napailing-iling naman sila ni Gerone. Nandito kami ngayon sa tambayan namin na rooftop dito sa building namin at dahil maaga pa naman kaya di pa kami pumapasok.

"Kaklase mo?" Tanong naman ni Gerone. Tumango naman ako sa kanya.

"Kung ganun, nakahanap ka na nga ng katapat mo." Natatawang saad naman nya na ikinasama ng tingin ko sa kanya.

"Susuko din yun." Sagot ko naman na may yabang pa. Napatawa na lang sila ni Lui.

"H'wag kang masyadong pakampante, Silver. Malay mo, sya na ang hinihintay mo." Nang-aasar pang saad niya kaya sinuntok ko silang dalawa ng mahina sa dibdib nila.

Napahawak naman sila roon kaya umiiling ako habang tumatayo.

"Pasok na ako. Baka nandun na si terror." Sambit ko habang naglalakad na ako paalis.

Tumayo na rin sila at sumunod sakin. Umakbay pa silang dalawa habang naglalakad na kami ng sabay.

"Oh my ghad gurls!!! Nandyan na sila!!" Sigaw nang mga kababaihan habang pababa na kami ng rooftop.

"OMO!! Ang gwapo talaga ni baby Silver ko.."

"Mas gwapo si bebe Gerone ko.."

"Ano ba kayo!! Mas pogi pa rin si Lui noh!!"

"Ahh basta, papakasalan ko na si Silver sa susunod na buwan!"

"Che! Ang feeling mo naman!"

Ilan lamang yan sa mga bulungan nang mga babae naming schoolmates habang naglalakad na kami papunta sa kanya-kanya naming classroom.

Di ko kaklase ang dalawang mokong na to dahil mas lamang sila sa katalinuhan kesa sakin. Class A sila samantalang ako ay Class E..

Diba ang laki ng agwat? Haayss. Pero iba parin kung mas gwapo kesa sa kanila.

"Paano ba yan, Silver, iwan ka na namin dito.. Bye! Kitakits na lang tayo mamayang recess." Pagpapaalam ni Lui sakin nang nasa tapat na ako ng classroom namin.

Tumango lang ako ng isang beses sa kanila saka na ako pumasok.
Pagkapasok ko, bigla kong nasalubong ang mga matang walang kabuhay-buhay sa babaeng kinamumuhian ko sa tana ng buhay ko.

Nginisihan ko lang sya at umupo sa may pinakalikuran nya. May balak kase ako eh. Bwahahaha..

Ilang segundo lang ay dumating na ang terror teacher namin sa science. Si Sir Gascon.
Dala ang white board marker, eraser at attendance sheet nya ay mukhang beast mood itong nakatingin samin. Tahimik ang buong klase at mukhang nanginginig na sila sa mga tingin ni Sir Gascon.

"Kapapasok ko palang ay tahimik na kayo." Sarkastikong sambit nito samin. "Natatakot na kayo agad eh wala pa akong masyadong sinasabi." May insultong dagdag pa nya. "Ok. Mukhang wala na ata kayong mga boses.. By the way, good morning!" Sigaw nya samin kaya agad kaming napatayo.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now