CHAPTER 27

64 9 0
                                    

SILVER's POV

Mapapawalang-hiya ka na lang pag ang Ibon na yun ang nakaharap mo.

Kababaeng tao, lalake kung kumilos. Mas nakakainis pa ang itsura nya. Buti sana kung maganda.

"Ilang minuto na lang may klase na ulit tayo." Banggit ni Ricca habang nakaupo kami dito sa may learning center. Bahagya pa syang nakahawak ng libro sa Araling Panlipunan.

"Oo nga, pero tingnan mo naman si Silver, mukhang ninakawan ng bente pesos dahil sa itsura." Natatawang saad naman ni Gerone habang nakatingin sakin. Tumingin naman sina Ricca at Lui saka nila ako nginisihan.

"Alam kong pogi ako pero 'wag nyo namang ipakitang nagwagwapohan kayo sakin." Pang-basag ngisi ko naman sa kanila saka nila ako nginusuhan.

"Nakabusangot ka lang kanina, tapos ngayon ang lakas na nang hangin sa katawan mo?" Pang-aasar naman ni Gerone sakin habang nakikipag-apiran pa kina Lui at Ricca.

"Sige lang.. Mang-asar lang kayo.. May araw rin kayo sakin." Banta ko sa kanila pero mas natawa lang sila.

"Bwahahahahaha!! Siguro iniisip mo si Maya noh? Ayiiieeee, may gusto ka na ata sa kanya eh.. HAHAHAHA!" Umalingaw-ngaw ang malakas na tawa ni Gerone habang nakaturo pa sakin ang hintuturo nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin saka sinuntok ng mahina sa dibdib nya.

"Tumigil ka sa kakasigaw mo dahil di ka nakakatuwa!" Seryosong usal ko habang nakatingin ako sa kanya. Mas lalong lang nanunukso ang mga tingin nila. "Oh, wag nyong sabihin pati rin kayo naniniwala kayong may gusto na ako duon sa Ibon na yun??" Seryoso ko ring binalingan ang dalawa at nanunukso pa rin silang nakatingin sakin. "Magunaw man ang mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sa Mayabang na Ibon na yun! Itaga nyo pa sa pugad nya." Taas noong dagdag ko pa saka ako tumayo at tumalikod na sa kanila.

"Itanggi mo lang yan Silver, BWAHAHAHA!" Sigaw pa na pahabol ni Gerone kaya kahit nakatalikod na ako at naglalakad na ay nagpakyu ako sa kanya.

"Tss. Kahit ilang libo pa ang ibayad nila sakin, di pa rin ako magkakagusto sa kanya. Hindi bagay ang gwapong katulad ko sa mayabang na Ibon." Bulong ko pa hababg naglalakad na ako papunta sa room namin. "Hayop sya at tao ako, di kami bagay." Usal ko pa. Hanggang sa bigla kong makita sya sa harapan ko na nakatingin sakin na parang walang kagana-gana. Nakangisi pa ito.

Kumurap-kurap ako habang nakaharap sa kanya. Namamalikmata lang siguro ako.

"Pamental ka na kaya, mukhang nababaliw ka na eh." Nakangising saad nya kaya bahagya akong nagulat ngunit nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. "Nagsasalita habang mag-isa." Huling sambit nya bago sya tuluyang makaalis.

LUNOK*

Kita nya kung paano ang itsura ko kanina habang nagsasalita ako mag-isa. Kainis! Pero ba't ako maiinis, eh sya tong nakaapak sa teritoryo ko. Tsk.

Naglakad na lang ako papunta sa room namin ngunit mabilis na nagsidatingan ang mga babae sa paligid para lang makita ako sa malapitan.

Iba talaga kapag gwapo, pinagkakaguluhan. Haays, sobrang hirap naman, di pa nga ako artista pero pinag-aagawan at pinag-aawayan na nila ako, paano pa kaya pag nagkalat na ang mga billboard ko sa iba't ibang bansa? HAHAHAHA!

"Ang bango-bango nya, Abi! Waaahh."

"Oo nga Klay, ang gwapo gwapo pa nya. Yiiieee."

"Sana mapansin na nya ako Welya, mag-aaral na ako ng mabuti."

"Asa ka pa, eh kahit pa sinong babae ang naggagandahan sa paligid nya si Ricca pa rin naman ang papansinin nya eh."

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now