Chapter 51

52 6 0
                                    

FREYA's POV

"Hindi ka pwedeng magmotor, Maya. Gabi na at baka mapano ka pa sa daan. Kailangan kitang ihatid, ok?"

Kanina pa nagpipilitan ang dalawang magpinsan na sina Mac Dave at Maya. Ayaw kase ni Maya na magpahatid kay Dave kase nga ayaw niyang malaman ng iba ang tinutuluyan niya ngayon maliban sakin. Saka isa pa, may motor kaming dala kaya hindi kami pwedeng sumabay kay Dave.

"Can you shut up, Dave?? May motor ako kaya hindi ako pwedeng sumabay sa inyo." Sagot ni Maya habang napapakamot pa siya sa isa niyang kilay.

Sinamaan naman siya ng tingin si Mac Dave saka siya napatingin sa motor ni Maya. Nasa may parking lot kase kami ngayon at ang dalawa ay kanina pa nagsasagutan dito.

"Ipapakuha ko na lang yan sa tauhan ko. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko naman hahayaan na mawala sayo yang iniingatan mong motor."

"Tss. Hindi ko pwedeng ipahawak sa iba yang motor ko. Mamatay ka muna."

"Pfft." Pigil ang tawa ko habang nakatakip pa sa bibig.

Ibang klaseng Maya, pati sariling kadugo gustong mamatay, alang-alang sa motor niya.

"Ba't naman ako mamamatay ha? Eh sinabi ko lang naman ang mas makakabuti sayo eh." Inis na singhal ni Dave sa kaniya pero ngumiwi lang si Maya.

Hanggang sa sumakay na siya sa motor niya. Sinuot ang jacket saka ang helmet. Sinaksak na rin niya ang susi niya saka ito pinaandar. Tumingin pa muna siya kay Mac Dave.

"Mas makakabuting umuwi na kayo, baka nag-aalala na rin si Auntie Victoria sa'yo." Huling kausap niya kay Mac Dave saka na niya pinatakbo ang sasakyan niya.

Napatingin naman ako kay Mac Dave na napapailing na lang. "Kahit sabihin mong mamamatay na siya, kung matigas ang bungo-bungo ng babaeng yun, wala ka ng magagawa pa." Saad ko naman habang tinatapik siya sa balikat niya.

Tumingin naman sakin si Ricca, sinamaan niya lang ako ng tingin saka sumenyas na bitawan ko ang boy friend niya. Inirapan ko naman siya saka na ako lumapit sa motor. Sumakay na rin ako saka sinaksak ang susi nito. Pinaandar ko na ang sasakyan ko at sinuot ang helmet. Wala akong jacket dahil si Maya lang naman ang mahilig sa pagjajacket.

"Mauna na ako sa inyo." Paalam ko naman sa kanila.

Tumango lang sakin si Mac Dave at umirap lang sakin si Ricca. Hindi na rin ako nagtagal at pinatakbo ko na ito.

MAYA's POV

Mabilis lang ang pagtatakbo ko hanggang sa mabilis ding nakarating dito sa apartment. Pagkapark ko ng sasakyan sa harapan ay agad na bumungad ang lalakeng kasama ko dito. Napatingin siya sakin habang gulo-gulo ang buhok niya. Naka-shorts lang siya ng panlalake at sando na kulay puti. Nasa harapan siya ng pinto na mukhang may hinihintay.

Inayos ko pa muna ang pagkakapark bago pumasok. Pero bago pa ako matapos ay lumapit na sakin si Aspen. Napatingin ako kay Aspen habang nakatingin siya sa motor ko.

"May problema na naman ba?" Malumanay na tanong ko sa kaniya.

Bumuntong hininga pa muna siya bago niya ako tiningnan. Kita mo talaga ang lungkot sa mga mata niya kahit di niya sabihin.

"Ayaw na niya akong balikan pa." Malungkot na aniya.

Tinapik ko naman siya sa balikat saka ako naunang naglakad papasok sa loob. Ramdam ko naman ang pagsunod niya mula sa likuran ko. Naupo ako sa couch saka naman siya nagtungo sa kusina. Pinanood ko naman siya papunta roon at kita ko ang pagbukas niya ng ref. May linabas siya roon na beer na naka-incan. Kumuha siya ng tatlo saka nagtungo ulit dito sa sala.

COLD INTO HOT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon