CHAPTER 41

55 7 0
                                    

RICCA's POV

Kanina ko pa napapansin na ang tahimik nina Gerone at Lui mula sa kinauupuan nila. Magmula nang magsimula ang klase namin ay hindi na nila ako pinapansin. Kakaiba pa ang mga tingin nilang dalawa. Naninibago ako sa iniaasta nila. Pakiramdam ko ay may alam na sila o di kaya naghihinala na sila sa'kin.

I admit it, niloloko ko lang si Silver. I love him as my friend pero ayokong mapunta siya kay Maya. Hindi ko gusto ugali nang babaeng yun. Nakikita kong hindi magandang impluwensiya ito kay Silver. At natatakot akong baka totoo ang sinasabi nina Gerone na sa kaniya lang siya babagsak sa huli. Kahit alam kong magpinsan sila ni Mac Dave.

Oo, tama, si Mac Dave at ako ay magkarelasyon. Nagkakilala kami sa facebook. Doon ko siya unang nakita. Sobrang gwapo niya at nakaka-attract ang lahat sa kaniya. Kaya chinat ko ito. Noong una akala ko masungit at snobero ito pero nagkamali ako, sobrang bait niya pala. Kaya habang tumatagal, mas lalo lang akong nahuhulog sa kaniya. May mga times din na nag-v-vc kami. At doon mas lalong lumalalim ang paghanga ko sa kaniya. Napaka-caring nito sakin.

Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit. He's my everything. Mahalaga siya sakin at hindi ko siya kayang mawala. Umuwi siyang Pinas para sakin. Pero hindi niya pwedeng sabihin iyun sa kahit na sino dahil mahalaga pa rin sa kaniya ang image naming dalawa.

Alam ko ring matagal nang may gusto sakin si Silver, kaya ginamit ko yun upang makuha ang loob niyang gusto ko rin siya. Pero ang totoo ay ayaw ko siya para kay Maya. And that's it, kumagat naman siya.

Pero ang hindi ko maintindihan, bakit parang kakaiba ang mga kinikilos nang dalawa sakin. Sina Gerone at Lui. Hindi ko na sila halos makilala ngayon. Parang iniiwasan nila ako na hindi. Pero dapat akong maging alerto. Sa oras na malaman nila ang totoo, dapat may ilulusot ako. Di ako pwedeng mabigo sa misyon ko. Kaya kong gawin ang lahat para sa kapakanan ko.

"Class dismiss."

Hindi ko man lang namalayan na tapos na pala ang klase namin ngayong umaga. At Recess na rin namin. Hindi ako umalis sa pagkakaupo ko rito sa harapan habang nagbusy-busy-han sa paglagay ng mga gamit ko sa bag ko.

Wala ako sa sarili habang naglalagay sa bag ko.

"Rics, gusto mong sumama sakin? Meryenda tayo." Nakangiting saad ni Briz.

Ang katabi ko sa klase at ang maituturing ko na ring kaibigan sa loob ng klase.

Hindi ako agad nakasagot nang biglang lumapit sina Gerone at Lui sa'min.

"Tara na?" Aya ni Gerone habang tipid na nakangiti sa'min.

Sobrang naninibago ako sa kanila. Ang cold nila tingnan.

"S-sige." Natatarantang sagot ko habang sinasara ang zipper ng bag ko.

Isinukbit ko na agad ito saka nauna nang maglakad. Hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin. Ang tahimik lang naming naglalakad. Nasa tabi ko si Briz at nasa likuran naman namin silang dalawa. Ewan ko rin kung bakit hindi na namin hinintay pa si Silver na sunduin ako.

Siguro ay tama nga ako, naghihinala na sila sakin. Pero di ako pwedeng magpatinag sa isiping ito. Dapat kong isipin na may problema lang sila.

"First time kong makakasama sa inyo sa meryenda. Hehe." Sambit ni Briz habang nakakapit pa siya sa balikat ko.

Tiningnan ko lang siya saka ko nginitian ng tipid. Ngunit binalewala lang niya ito.

COLD INTO HOT Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ