CHAPTER 36

61 7 0
                                    

MAYA's POV

Araw ng Linggo na at maaga ulit akong nagising. Di ko alam kung bakit nakakaramdam ako nang sakit sa katawan. Pero nakakagalaw pa naman ako ng maayos. Kaya lang ay nangangalay ang magkabilang braso ko kaya di ko masyadong maigalaw ang mga ito.

"Ang aga mo ulit nagising." Biglang sulpot nang lalakeng kasama ko dito sa apartment kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakatayo siya sa may pinto ng kusina na bahagya pang nakasandal sa gilid nito at ako naman ay kumakain ng break fast.

Pinasadahan ko lang siya ng tingin at hindi ako umimik.

"Sabihin mo nga sakin, ano bang pinagkakaabalahan mo sa ganitong araw?" May angas niyang tanong sakin pero nanatili pa rin akong kumakain.

Tumayo ako at hinayaan ko na lang ang pinagkainan ko roon sa lamesa at pumasok na ako sa banyo. Nandito na rin ang mga gamit ko sa pagligo.

Mabilis lang akong naligo dahil panigurado akong nandyan pa rin siya sa labas. Nararamdaman ko yun.

"Tss." Napasinghal na lang ako nang makalabas ako ng banyo dahil sa nakangisi niyang mukha.

Nakaupo siya sa kinauupuan ko kanina at nakaharap siya rito sa may pinto.

Pinunasan ko naman ang buhok ko patagilid saka ko siya siningkitan ng mata. "Fresh ka na naman." Nakakadiring sambit nito saka siya tumayo.

"Huwag mo akong simulan ngayon. Baka anong magawa ko sa'yo." Blankong tinging sagot ko sa kaniya.

Tumigil siya sa akmang paglapit sakin saka napanga-nga. "Aba't sinong tinakot mo?" Napapa-angat pa siya ng baba niya habang sinasabi yun sakin.

"Di kita tinatakot. Sinasabi ko lang. Sige na, may pupuntahan pa ako." Paalam ko sa kaniya saka ko na siya linisan roon.

May itsura siya pero di ko siya hinahangaan sa ganung itsura niya. Maangas din ang dating niya pero di yun nakakabawas sa kaangasan ko. Manyakis siya pero di ko makitang gusto niya akong galawin. Siguro ay nagkaka-interesado lang siya sa mga seksing babae at hindi sa katulad kong parang lalake.

Lumabas na ako ng apartment saka ko na mabilis ulit na pinatakbo ang motor ko.

"Good morning, Maya." Masayang bati sakin nang guard pero tinanguan ko na lang siya.

"Ang aga mo ah." Bungad agad sakin ni Danica.

Nginitian ko lang siya saka tinanguan. Dumiretso muna ako sa CR para magpalit ng uniform.

Nang matapos ako ay lumabas na agad ako saka ko nagpunta sa stock room para ilagay ang mga gamit ko roon.

Ikadalawang araw ko palang dito pero parang sanay na sanay na ako sa bawat sulok nang Resto Bar na'to.

"Maya Shane.. Halika." Tawag sakin nung nasa front desk nang makalabas ako ng stock room.

Lumapit naman ako sa kaniya. "Ano po yun?" Magalang kong kausap sa kaniya.

Ngumiti naman siya saka tumingin sa kabuuan ko. "Wow. Bagay na bagay sa'yo yang uniform natin ah. It so nice." Baklang-baklang saad niya saka nya ako hinawakan sa magkabilang braso at taas-babang tiningnan ako.

"Thanks." Tipid na sagot ko ngunit hindi ako ngumiti.

Bahagya siyang natigil saka ako dahan-dahang binitiwan.

"O-oh, I'm sorry." Hinging paumanhin niya. Bahagya pa siyang tumungo.

Gusto kong matawa. Bago palang ako dito pero parang feeling ko ako na ang manager dito. Juice colored!!

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now