CHAPTER 16

59 9 0
                                    

MAYA's POV

Walang hiyang gansa yun!! Dito pa talaga nya iniwan ang motor ko!? Makakatikom ka sakin ng di mo pa natitikman sa tana ng buhay mo!!

Nandito na ako ngayon sa sinabi ni gansa na lugar kung nasaan ang motor ko.

At naiinis ako dahil di man lang nya linock ito. Paano na lang kung may kumuha sa kanya? Kawawa naman tong baby ko. Tsk. Gaganti ako sayo sa ginawa mo sa kanya!

Humanda ka na GANSA!!

Bago ako sumakay sa motor ko ay pinunasan ko muna ito dahil medyo basa pa. Inangkas ko na ang maleta saka ko na agad ito pinatakbo.

BROOOM*

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko hanggang sa mapadpad ako dito sa labas ng mansyon ni lolo.

"Tsk. Kung di lang sana ako nangangailangan ngayon, di kita lalapitan, tanda!" Mahinang sambit ko pa habang nakatitig lang ako sa matayog na gate ng mansyon nya.

Di na lang ako nagdalawang isip pa na magdoorbell kaya agad na may maid na lumabas.

"Sino po sila?" Magalang na tanong sakin nung maid na lumabas sa gate.

"Nandyan ba si tanda?" Tanong ko sa kanya kaya nagtataka nya akong tiningnan.

"Sino pong tanda ang sinasabi nyo dyan?" Kunot noong tanong nya sakin kaya napasinghal ako ng mahina.

"Si lolo.. Nandyan ba sya?" Matigas na tanong ko kaya mas lalo nya akong kinunotan ng noo. "Tss. Si lolo Mio, nandyan ba?" Naiinis kong tanong sa kanya tumango sya sakin saka nya ako tiningnan ng pataas-pababa.

Aba! Iniinis talaga ako neto ah! Tsk.

"Wala ka bang balak papasukin ako?" Sarkastiko kong tanong sa kanya kaya mabilis nyang binuksan ang maliit na pintuan ng gate.

"Nasa loob po sya." Saad pa nya habang nauuna syang maglakad sakin.

Di ko sya pinansin at nagtuloy-tuloy lang akong pumasok dito sa loob ng mansyon.
Kilala na ako ng guard ng Village na ito kaya agad nya akong pinapasok. Dahil kay tanda kaya ako kilala nung guard nila. Pero mga tangang katulong lang nya ang hindi.

"Senior, may bisita po kayo—"

"I'm not his visitor.." Malamig na putol ko sa kanya kaya napalingon sya sakin. Nasa may study room si tanda(lolo) habang nagbabasa sya ng diyaryo at nakapandkwatrong panlalake na may kape pa sa harapan nyang maliit na lamesa.

Napapatungong umalis na lang yung maid nang senyassn sya ni lolo. Napatingin naman ito sakin nang marinig ang boses ko. Tumayo sya saka nya linapag ang diyaryo nya sa lamesa nito.

"Maya Shane!! You here!" Masayang bati nya sakin saka nya ako sinunggaban ng yakap kaya agad ko itong tinanggal dahil di ako sanay sa ganitong treatment. "So harsh, apo." Nakangising usal nya nang tanggalin ko ang mga kamay nyang nakayakap sakin.

"I need your help." Malamig na saad ko kaya mas lalo syang napangisi.

"Parang ngayon ko lang atang narinig yan mula sayo ah." Sarkastiko nyang sagot sakin kaya napailing pa ako.

"Tutulongan mo ba ako o hindi?" Naiinis na tanong ko sa kanya kaya umupo na sya ulit saka nya kinuha ang kape nya. Sumimsim pa ito habang nakatingin sakin. Nang matapos syang sumimsim ay ngumiti na ito sakin.

"How may I help you?" Nakangiting tanong nya kaya napatango ako ng isang beses saka ako naupo sa harapan nya.

"Umalis ako kina tita Myrtel." Pauna kong sagot sa kanya.

COLD INTO HOT Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora