CHAPTER 56

42 7 0
                                    

MAYA's POV

Natapos ang isang linggo at naging busy na ang music club members sa pag-eensayo sa tutugtugin naming musika para sa intermission number namin sa gaganaping acquaintance party this coming friday.

Naging busy din naman ako sa pagtratrabaho sa resto bar nina Monicqe noong sabado at linggo.

"Ang mga kanya-kanya niyong pwesto ang abalahin ninyo at wag ng kung ano-ano.." sigaw ni Leinard habang nakapamewang siya sa harapan namin.

Ito na ang last na pag-eensayo namin at nasa music room kami ngayon. Bakante naming lahat kaya ngayon na naming naisipang mag-ensayo.

"Talaga bang tuloy na ito?" Tanong pa ni Sanah habang pinupunasan niya ang microphone.

"Oo teh.. Bakit, umuurong ka na ba?" Nakapamewang pa rin na bulalas ni Leinard sa kaniya.

Umirap naman si Sanah saka siya nagpatuloy sa pagpupunas. Vocalist din siya at magiging kapareha niya si Leinard sa pagkanta bukas. Bukas na ang party pero hindi pa ako sigurado kung makikihalubilo ba ako sa pagsasayaw o hindi. Dahil wala pa akong maisusuot na dress o ano man ang isusuot ko. Wala naman kase akong balak na umattend kung hindi lang dahil dito sa lintek na intermission number na ito.

"Huy Kevin, ayusin mo yang pagpupunas diyan sa electric guitar na yan, tandaan mong hindi sayo yan." Sigaw ni Leinard kay Kevin na siyang nakatuka sa electric guitar.

Ako naman ay nasa drum set ako. Pinupunasan ng maigi at tahimik.

"Oo alam ko. Ang OA mo lang talaga." Sigaw naman pabalik ni Kevin sa kaniya.

Natapos ang pagpupunas namin at naisipan na naming pumasok na sa kaniya-kaniya naming klase at mamayang lunch na lang ulit kami mag-eensayo, pagkatapos ng kainan.

"Maya." Rinig ko ang boses ni Mac Dave kaya napatingin ako sa likuran ko.

Tumigil din si Leinard sa paglalakad papuntang classroom namin at napatingin din kay Mac Dave na nakatayo sa harapan ko.

"Oh, fafa Mac Dave, ikaw pala." May pagkamalanding usal ni Leinard sa kaniya.

Tumango si Dave saka siya bumaling sakin at iniaabot ang isang medyo malaking paper bag. Napakunot noo naman ako habang tinitingnan ang nasa loob ng paper bag na ibinigay niya sakin. Naki-usisa din si Leinard sa pagtingin.

"Oh my ghad!! Gucci dress!??" Sigaw ni Leinard matapos niyang makita ang dress na nasa loob ng paper bag.

Napaawang ang bibig ko nang mailabas ko ang dress na tinutukoy ni Leinard saka ko pinagmasdan ito.

Long dress na alam kong fitted sakin. Kulay itim ito na may glitters pa siyang kumikinang. Wala siyang kaarte-arte sa disenyo dahil tanging ang glitters lang ang nakalagay. Kumikinang na may kasama pang maliit na wallet na gucci din sa loob ng paper bag. Mas lalong namangha si Leinard at inagaw sakin ang wallet na yun.

"Oh my ghad talaga!! Mahal ang Gucci teh. Sana alam mo!!" Sigaw pang muli ni Lei saka siya bumaling kay Mac Dave na nakatayo pa rin sa harapan namin.

"Alam ko naman na mayaman ka pero hindi ko alam na ganito ka pala nagwawaldas ng pera para sa pinsan mo." Aniya.

Ngumiti si Mac Dave. "Dahil alam kong hindi siya magsusuot ng dress once na hindi mo siya binilhan o pinahiram. Lalo na at hindi naman importante sa kaniya ang party." Paliwanag niya.

Binalik ko naman sa paper bag ang dress saka ko ibinalik sa kaniya. Nagtaka naman silang dalawa sa ginawa ko. Akmang maglalakad na ako paalis nang higitin ni Mac Dave ang braso ko para pigilan.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now