CHAPTER 62

65 7 3
                                    

SILVER's POV

"Tsk. Di man lang makapagreply."

Binato ko na lang ang cellphone ko sa kama ng ma-itext ko si Ibon. Nakakabagot ding maghintay sa reply niya.

Isang beses lang naman ang kailangan kong reply eh. Hindi man lang magawa. Nakakainis yung babaeng yun. Hindi man lang ba niya ako namiss?

Kung sabagay, lagi naman siyang ganyan eh. Nasasanay na rin ako. Kaso ay hindi lang ako makapaniwala na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya marunong magreply.

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang binato kong cellphone sa kama at humiga na lang ako roon. Siguro ay busy lang yun sa kung anong bagay ang pinagkakaabalahan niya ngayon. O di kaya ay tulog na dahil maaga pa niya akong kikitain bukas. At least ay alam kong bukas, sakin siya dederetso.

Kinabukasan... Mabilis akong nagtungo sa kusina. Nandun na sina mommy at daddy pero wala si kuya Sam.

"Where's kuya?" Tanong ko sa kanila habang papaupo na ako sa dati kong pwesto.

Si mommy ang tumingin sakin. "He's on duty today, baby."

Tumango ako sa kaniya at kumuha lang ako ng isang sandwich at kinain yun ng mabilisana saka uminom ng juice. Mabilisan at walang sinasayang na oras. Napansin nila ang pagmamadali ko kaya napatingin sina mommy at daddy sakin.

"Why are you so rush, baby?" Nagtatakang tanong ni mommy sakin.

Sumulyap lang ako sa kanila, ngumunguya pa rin ako. "Maaga ang laban namin, mom,dad." Sagot ko sa kanila.

Nang patapos na ako ay sinabihan ko si Manang na magbalot siya ng isang sandwich para kay Ibon. Agad naman niyang ginawa. Nanunuya ang tingin ni mommy sakin habang nakangisi. I know that thing. Iniisip niya na naman kung gaano ako in love kay Ibon.

"Call me when you're in school, okay?" Si mommy.

Palabas na ako ng dining area at kanina pa ako pinapaalalahanan na tawagan ko siya. Nginitian ko lang siya at tinanguan matapos ko siyang halikan sa pisngi. Nakipag-fist bump lang ako kay daddy. Nagpaalam na ako sa kanila at minaobra ko na ang sasakyan ko palabas ng gate.

"Silver.."

Palabas pa lang ako ng kotse ko ng nasa parking lot na ako nang marinig ko ang boses ni Ricca. Napatingin ako sa buong paligid ng parking lot.

Nasa may kabilang side siya ng isang sasakyan. Malalaki ang eyebags niya habang gusot ng kauti ang uniform na suot niya. Naningkit ang mga mata ko sa nakikita ko.

Lumapit siya sakin at nangingilid ang luhang kumapit siya sa isa kong braso na parang may gustong sabihin.

"Tell me, Silver— do I have a chance to you?"

Nakakasakit ang tanong niya para sa kaniya. Hindi ko iyon matanggap na sinasabi niya sakin ngayon. Kahit na sinaktan niya ako noon dahil sa pakikipagrelasyon niya kay Dave at ang pagsisinungaling niya sakin ay hindi ko pa rin siya kayang nakikitang nasasaktan.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakakapit sa braso ko. Umiling-iling siya habang nalalabasan na ang mga luha sa mata niya.

"Tell me, Silver... Tell me!" Sigaw na niya sakin sa nakikiusap na tuno.

Huminga ako ng malalim at tinitigan siyang mabuti. Naguguluhan na ako ngayon. Bakit nagkakaganyan siya? Akala ko ba ay mahal niya si Mac Dave? Akala ko ay masaya na siya sa relasyon niya at hindi na niya ako kailangan pa.

"Why are you doing this, Ricca?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Humagulhol siya at napatakip sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang palad. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko ngayon ay ang sakit na nararamdaman niya.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now