CHAPTER 14

59 10 0
                                    

FREYA's POV

Kamusta na kaya si Maya? Ano na kayang nangyayari sa kanya? Ang lakas pa naman ng ulan tapos may kasama pang malalakas na kidlat at kulog.

Sigurado akong umiiyak na naman yun at nagsisisigaw dahil sa takot. Matapang lang naman yun kung walang ulan eh.

Pero sa totoo lang matatakutin sya pag may kidlat at kulog.

Kaya nga naalala na ako sa kanya. Palakad-lakad lang ako ng pabalik-balik dito sa may sala namin dahil sa kaba na dulot ng pag-alis ni Maya.

"Sweetie, can you please sit down first? Nahihilo ako sayo eh." Mahinahon na utos sakin ni mommy pero parang hindi ko kayang maupo habang hindi ko nalalaman kung nasaan ang pinsan ko.

Kailangan ko syang hanapin at malaman na ok lang sya.

"Sweetie.." Lumapit sakin si mommy saka nya ako niyakap. Alam kong nag-aalala din sya kay Maya.

"She'll be ok.. I know she's brave and strong. Don't worry about her." Malumanay na saad nya habang yakap yakap nya ako.

Sana nga ganun sya ngayon dahil sa kidlat at kulog. Pero alam kong hindi eh. Parang may mali.

"Freya!!" Tumakbo na ako papunta sa labas at sinuong ang malakas na ulan.

Kinuha ko ang motor ko saka ko ito pinatakbo. Baka nandyan lang sya. Baka nagpapalipas oras lang sya. Nararamdaman ko yun. Alam kong wala syang matutuluyan ngayon dahil wala syang alam tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalamam sa pangungupahan.

"Maya please h'wag mo na akong pahirapan pa. Umuwi ka na." Naiinis na usal ko habang nilalamig na sa ulan.

Mahabang oras ang nilaan ko para hanapin sya pero hindi ko sya nahanap. Natigil lang ako sa paghahanap nang may makita akong hugis motor sa gilid ng kalsada. Di ko mawari kung motor nga iyun o hindi dahil may cover ito.

Agad ko itong nilapitan at hinawi ng bahagya ang takip nya para makita kung ano nga yun.

"Motor nga.. Pero kanino to? Ba't nandito to??" Mahinang tanong ko habang pinagmamasdan kong mabuti ang motor.

"Big bike ba to ni Maya?? Shit of paper!! Kay Maya nga!! Bakit to nandito?? Nasaan sya??" Sigaw ko pa habang sinusuri ang paligid, nagbabakasakaling nandito nga sya.

Linabas ko na lang ang cellphone ko saka ako nagtitipa. Dinial ko na ang number nya hanggang sa mag-cannot be reach ito.

"Maya sagutin mo to please..Ayaw mo bang yumaman? Reach (Rich) daw oh!! Ghad!!" Sigaw ko pa habang dinadial ulit ang number nya.

"The subscriber cannot be reach, please try again later. The subscriber cannot be reach—" Ayaw nya talagang sagutin.. kainis!!

"Nilalamig na ako bwiset! Ayaw pang magpahanap ang isang to." Bulong ko pa habang dinadial ulit ang number nya. Pero ganun pa din.

Hindi pa din nya sinasagot. Hanggang sa si mommy na ang tumawag.

"Hello sweetie... Anong nangyayari sayo ha?? At bakit bigla-bigla ka na lang sumugod sa ulan!?" Galit na sigaw ni mommy sa kabilang linya kaya bahagya ko pang nilayo ang cellphone ko sa tenga ko.

"Mom hinahanap ko po si Maya.. Nararamdaman ko pong nandito lang po sya at nagpapalipas ng oras." Sagot ko sa kanya kaya napabuntong hininga na lang sya ng marahas.

"Nahanap mo ba?" Parang walang pag-asang tanong sakin ni mommy. This time ako naman ang napabuntong hininga.

"Hindi." Walang gana kong sagot sa kanya.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now