CHAPTER 25

59 9 0
                                    

MAYA's POV

Maraming beses akong bumuntong hininga habang walanh ganang nakikinig sa mga lecturer namin ngayong umaga.

RECESS TIME

Habang pumipila kami ni Freya dito sa may canteen ay puno pa rin ang mga estudyanteng nagbubulungan tungkol sa nangyari kay Khiel.

Hindi nila inaalintana kung nasa tabi nila ako o nasa harapan nila ako, basta nag-uusap usap lang sila tungkol sa pagkamatay ng kaibigan ko.

'Mahirap din namang marinig na namatay na nga si Khiel. At ako ang dahilan.'

Ano pa nga bang mas sasakit sa isang iglap malalaman kong patay na nga sya? Ang sakit ring isipin na ako nga ang pumatay.

Akala ko linayo lang nila sakin ang kaibigan ko pero yung malaman kong ganito ang nangyari sa kanya ay para mas gugustuhin ko na lang ding mamatay.

"Maya?? Maya?? Woi Maya!!" Nabalik ako sa wisyo nang tawagin ako ni Freya.

"Pili ka nang meryenda mo. Tulala ka dyan." Nakangusong saad nya kaya napapatango ako habang nakatingin sa mga nakahilerang meryenda sa harapan ko ngayon. "Sunod ka na lang sakin dun."Nguso pa nya sa lamesang unang naging pwesto namin noon dito.

"Sige." Tipid na sagot ko saka ako pumili na nang meryendang gusto ko.

Pagkarating ko sa lamesa namin ay pabagsak akong napaupo. Saka marahang bumuntong hininga.

"O-ok ka lang?" Utal na tanong sakin ni Freya nang mapansing nilalaro ko lang ang meryendang binili ko.

Walang ganang napatingin ako sa kamay ko.

"Sana ako na lang ang namatay." Tanging nasagot ko kaya dahan dahang tumabi sakin si Freya.

Hinaplos haplos nya ang likuran ko dahilan para maramdaman ko na naman ang sakit sa dibdib ko.

"Iniisip mo parin ba si Khiel?" Malumanay na tanong nya sakin kaya unti unti akong tumango. "H-hindi mo naman kasalanang mamatay sya eh."

"Satingin mo maniniwala ako?—Freya, alam mo at alam nating lahat na ako ang pumatay sa kanya."

"Pero hindi mo naman sinasadya."

"Nandun na tayo sa puntong di ko nga sinasadya.. Pero maniniwala ba sila?—diba hindi?" Napapailing na lang sya sabay tango.

Lumayo na sya ng bahagya sakin at tulad ko ay pinaglaruan na lang din nya ang pagkain nya. Nakatungo kaming dalawa at wala ni isa ang nagsasalita.

"Maya.." Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses na iyun.

"Lui..." Tawag ko rin sa kanya sa walang reaksyong itsura.

"Pwede ba tayong mag-usap?"Tanong nya kaya agad akong tumango at tumayo.

Tiningnan ko pa muna si Freya saka naman sya tumango sakin, senyales na sumasang-ayun sya.

Naglakad kami palabas ng canteen.

"Anong pag-uusapan natin?"Tanong ko nang matigil kami dito sa may tree park ng campus.

Bumuntong hininga muna sya bago magsalita.

"T-tungkol to kay K-khiel.."Pauna nya kaya tumahimik ako saka ako napatingin sa malayo.

I knew it. Lahat nang tao yan ang topic. Ano pa bang bago?

"A-alam kong wala ako sa posisyon para t-tanungin ka tungkol kay Khiel." Sambit pa nya pero di pa rin ako umiimik. Ayokong may masabing di ko magustuhan.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now