CHAPTER 39

58 9 0
                                    

SILVER's POV

Ibang klaseng babae. Paano niya nagagawa ang ganung klaseng bakbakan? Napakadelikado para sa isang kagaya niya pero kinaya niya.

At ang mas nakakainis pa, sabihin pa namang nag-aaalala siya sakin? Aba! Ang lakas ng saltik ng babaeng yun ah. Inaapakan niya talaga ang pagkalalake ko. Siya pa talaga ang nagsabi nun sakin? Lalake ako. At hindi niya pwedeng apak-apakan na lang yun. Tch.

"Fuck! Ba't kase hindi na lang ako umuwi kanina!? Haaaysst." Napapatampal na lang ako sa manibela ng sasakyan ko dahil sa inis sa babaeng yun.

Kung di mo lang sana sinalo yung suntok kanina na para sakin ay kakalimutan kong babae ka at ako na mismo ang tatadyak sa pagmumukha mo. Bwisit!

Pero, may kakaiba akong naramdaman kanina. Hindi ko mawari kung ano yun pero parang, kinakabahan ako nang makitang sinusugod siya ng suntok at kung ano-ano pa. Parang gusto ko siyang tulungan pero di ko alam kung sa anong paraan.

At parang nakikita ko talaga sa kaniyang mga mata na kayang-kaya niya yun kahit ilan pa ang kalaban niya. Ang astig niyang tingnan at napakaswabe lang ng kaniyang galawan. Para siyang sumasayaw sa paningin ko.

"Aaayys. Nababaliw na nga ako." Sigaw ko pa sa sarili.

Hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay. Bumusina ako ng dalawang beses kaya agad nilang binuksan ang gate.

Nang ma-i-park ko na ito ay agad na akong bumaba. Naalala ko na naman siya. Aarrgh! Nakakabaliw ang babaeng yun. Kainis!

"Hello baby, how's your day today?" Bungad agad sakin ni mommy nang makapasok na ako dito sa loob ng bahay.

Nawala naman ang nasa isip ko nang makita ang ngiti niya. Linapitan ko siya sa mahabang sofa habang nakaharap ito sa laptop niya.

"Hi, mom." Bati ko naman sa kaniya saka ko siya hinalikan sa pisngi.

"I'm asking you, how was your day today?" Ulit pa niya sa tanong nito kanina na hindi ko nasagot.

Napatingin naman ako sa ginagawa niya. "Hmm, ok lang naman po. Nakakapagod nga lang." sagot ko naman habang sa screen ng laptop niya ako nakatingin at ganun din siya.

Tinipa-tipa pa niya ang keyboard nito sabay tingin sa screen.

"Mmm, mabuti naman kung ganun." Malumanay na sagot nito.

Naalala ko naman si Ricca. Sasabihin ko na ba sa kaniya? Siguro nga ay mas mabuting sabihin ko na lang sa kaniya ang tungkol sa amin. Na nililigawan ko na siya.

"Oo, tama, sasabihin ko na nga."

"Anong sasabihin mo na nga, baby?" Baling sakin ni mommy nang maibigkas ko ang iniisip ko.

Tsk. Kung ano-ano kase nailalabas ng bibig na'to, yan tuloy, narinig pa ni mommy.

"Ah, O-oo.. Kase, mom, si Ricca—" Nag-isip pa ako kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko sa kaniya.

Naghihintay naman siya ng sasabihin ko habang titig na titig siya sakin. Nailang naman ako bigla.

'Dapat ko pa bang ituloy ito? Nakakahiya.'

Aayss, ngayon pa ako nahiya? Samantalang alam na alam naman niyang mahal na mahal ko si Ricca.

"Anong tungkol kay Ricca, baby?" Tanong na niya sakin nang hindi nya ako mahintay.

"K-kase po—nililigawan ko na po siya ngayon, mom." May hiyang sagot ko sa kaniya.

Napaawang naman ang bibig nito na hindi makapaniwala sa sinabi ko.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now