CHAPTER 11

65 9 0
                                    

SILVER's POV

Talagang minamaliit ako nang Maya-bang na yun ah. Pinapahiya pa ako sa klase namin kanina. Tsk.  Subukan natin yang galing mo sa susunod.

"Silver!!" Napatingin ako sa tumawag sakin at agad nag-iwas ako ng tingin nang makita kung sino sya.

"Anong kailangan mo?" Malamig na tanong ko sa kanya habang sa ibang dereksyon ako nakatingin.

"I'm just here to ask you if you're ok." Sagot nya kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi ko naman kagustuhang madamay sya sa galit ko pero alam kong mas kakampihan nya si Lui kesa sakin.

"Ok lang ako. Umuwi ka na." Malamig ulit na utos ko sa kanya kaya tumango na lang ito saka na nya ako tinalikuran.

"Ricca, sumabay ka na sakin." Napatingin naman ako sa tumawag kay Ricca.

"Oh Lui, bakit nandito ka pa?"Nagtatakang tanong naman ni Ricca sa kanya.

Nasa loob ito ng sasakyan nya at hinihintay si Ricca'ng pumasok roon. Tiningnan pa muna ako ni Ricca bago nya lapitan si Lui.

"Hinihintay kase kita." Nakangiting sagot naman ni Lui sa kanya kaya tinalikuran ko na sila bago pa ako magwala ulit.

Mukhang wala lang ako sa kanila. Lalo na yung Lui na yun. Talagang mas kakampihan pa nya si Maya kesa sakin.

"Hmm. Sige." Rinig ko pang sagot ni Ricca kaya tuluyan na akong umalis roon.

Mabilis kong tinungo ang parking lot saka ako pumasok ng mabilis sa driver's seat. Napahawak pa ako ng mahigpit sa manibela saka ako napapatingin sa labas ng masama habang iniisip ang mukha ni Lui habang niyayaya nya si Ricca na sumabay sa kanya.
Nakakadagdag inis silang dalawa sakin at isama mo pa si Maya-bang na ibon.

Aaaaarrrgghhh!!

"King-ina! Bakit ang malas malas ko naman ngayong araw!!??" Sigaw ko pa habang mahigpit na hinahawakan ang manibela ng sasakyan ko.

Hanggang sa mahagip ko sina Maya-bang at ang pinsan nyang sadista. Nawala ang inis ko nang makita kung paano ngumiti si Maya-bang.

"Tss. Bakit ganyan ka makangiti?" Bulong ko habang nakatingin pa rin ako sa kanila.

Nakaharap sya mismo dito sa sasakyan ko pero sa pinsan nya lang sya nakatingin habang nag-uusap sila.

Mukhang masaya sila dahil sa papuri nila kanina sa kanila sa klase namin. Tsk. Mga mayayabang na magpinsan.

*BROOOOOOM!!*

Napatingin ako sa kanila nang maigi nang marinig ang ingay na yun.

Nakamotor sila? Wtf! Mga babae ba talaga sila o mga lalake?

But wait?? Ba't parang bagay kay Maya-bang ang magmotor? Ugh! Nakakabaliw silang dalawa lalo na yang maya-bang na yan!!

"Tig-isa pa kayo ng motor ha?" Napapabulong pa na usal ko habang sinusundan ko silang dalawa kung saan man sila dadaan.

Di naman nila ata ako napapansin kaya mas minabuti ko pang sundan sila.

Nakahelmet sila kaya di ko maaninag kung anong itsura nila habang nagmamaneho ng motor.

Pero wow lang masasabi ko, "Ang astig!"
Naka-leather jacket si Maya-bang samantalang wala naman kay Freya.

Ang mukhang maya-bang na babaeng yun ay naging astig sya para sakin. Pero di ko parin maalis ang inis ko sa kanya kahit ano pang astig nya.

COLD INTO HOT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon