CHAPTER 10

79 10 0
                                    

MAYA's POV

Hindi kami nakatambay ni Freya sa lilim ng mangga kanina sa field dahil sa gansa na yun. Gusto ko pa sanang matulog kahit ilang minuto lang dun.

"Kain na lang tayo Maya." Masayang banggit sakin ni Freya habang palakad lakad lang kami dito sa campus.

Tapos na kase yung praktis ng soccer kaya wala na kami sa field. Ayos na rin kami ni Freya. Gutom lang naman talaga sya kaya sya nagkaganun kanina.

"Hindi ka pa ba busog sa binigay kong skyflakes kanina?" Nakangising tanong ko sa kanya kaya napatingin ito ng masama sakin.

"Paano ako mabubusog dun eh ang liit-liit lang tapos wala pang kalasa-lasa." Pangrereklamo nya kaya napatigil ako sa paglalakad at ganun din sya saka nya ako tinitigan ng nagtataka-look.

"Hindi pa ba yun sapat para magpasalamat ka man lang sakin?" Pang-iinsulto ko naman sa kanya kaya sinimangotan nya ako.

"Bakit naman ako magpapasalamat sayo eh kasalanan mo naman kung bakit ako nagutom kanina." Sagot naman nya sakin kaya napangisi ulit ako.

"Kasalanan ko ba talaga? O kasalanan mo dahil sumama-sama ka pa sakin sa locker kanina at sa CR?" Pambabara ko naman sa kanya kaya nagkunwarihan syang walang narinig at tumingin-tingin lang sa paligid namin.

"Tss. Alam mo namang kaya ko na ang sarili ko tapos sumama-sama ka pa sakin." Sambit ko pa kaya napatingin ulit sakin si Freya.

"Woi! Dapat nga magpasalamat ka sakin eh. Kung di dahil sakin di ka titigalan ng mga nambabato sayo kanina!" Sumbat nya pa sakin kaya pumaharap ako sa kanya.

"So sumbatan na ba tayo dito ng pasasalamat ha?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Hmpt! Ang sama mo talaga kahit kailan." Rinig kong bulong nya pero di ko na lang pinansin at nauna na akong maglakad.

Cafeteria*

"Bilisan mong kumain at baka malate na tayo sa huling klase natin ngayon." Saad ko sa kanya kaya habang subo sya ng subo ng pagkain nya.

"Wait lang." Sagot nya na punong-puno ng pagkain ang bibig nya kaya napalukot ako ng mukha na parang diring-diri sa kanya.

"Don't talk if your mouth is full." Saad ko kaya tumango-tango ito habang kumakain.

Patay gutom kahit kailan.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong nya nang wala nang laman ang bibig nya.

"Hindi." Simpleng sagot ko.

"Eh diba wala ka pang kinakain simula kaninang lunch break? Tapos binigay mo pa sakin yung skyflakes mo." Tanong nya sakin pero imbis na sagutin sya ay nagkibit balikat na lang ako at sumandal sa likuran ng upuan ko.

"Bilisan mo na lang." Tanging naiusal ko matapos ng ilang segundo.

"Ayan. Tapos na." Sagot nya habang napapapikit na hinihimas ang tiyan nya, senyales na busog na busog na sya.

"Tara na." Sagot ko naman habang patayo na.

"Teka!" Awat nya sakin kaya umupo ulit ako sabay kunot ng noo.

"Ano na naman ba yun??!" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Di ako makatayo sa sobrang busog." Sambit nya habang napapayuko ang kalahati ng katawan nya sa sobrang busog.

"Natatae ka?" Nakangising tanong ko. Tumango naman sya kaya napatawa ako ng malakas.

Buti na lang at walang katao-tao dito sa cafeteria.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now