CHAPTER 9

85 10 0
                                    

SILVER's POV

"Sabihin nyo sakin kung sinong may-gawa nun kay Maya!!" Pagkarating namin sa canteen kasama si Ricca ay dinig na dinig ko mula palang sa pinto ang boses ni Lui na umaalingaw-ngaw sa loob ng cateen.

Nakayuko lahat nang mga estudyanteng nakakapanood sa kanyang nakatayo sa upuan at mukhang galit na galit.

Kunot noo ko naman syang linapitan kasama si Ricca.

"Huy Lui Ren.. Anong ginagawa mo dyan ha? Nababaliw ka na ba??" Seryosong tanong ko sa kanya kaya napatingin sya sakin.

"Hindi mo ba nakita kanina si Maya ha??!!" Galit nyang sigaw sakin kaya hinila ko sya pababa para makapag-usap kami ng maayos dahil tinitingala ko na sya.

"Ano na naman ba ang tungkol sa kanya??!" Sigaw ko rin sa kaniya. Lumapit samin sina Ricca at Gerone para awatin kami.

"Tama na yan, Silver.." Awat sakin ni Ricca habang nakahawak sya sa braso ko.

Si Gerone naman ay napapangisi na lang habang umiiling na pinapanood kami.

"Di mo ba talaga sya nakita o ikaw ang may pakana nun sa kanya??!" Duro nya sakin habang galit na galit ang mukha nya.

Kwinelyuhan ko naman sya at nanggigigil na tinitigan sya.

"Silver ano ba! Tama na yan sabi eh. Ang daming estudyanteng nakatingin na sa atin oh." Awat na naman sakin ni Ricca pero di ko sya pinansin.

"Lumayo ka muna dito, Ricca." Utos ko sa kanya pero mukhang wala syang narinig.

"Ako na lang ba lagi ang may kasalanan tuwing may nangyayari sa Mayabang na yun ha??" Naiinis na tanong ko sa kanya habang nakahawak pa rin ako sa kwelyo nya.

Ngumisi naman ito at napapatingin pa sa gilid nya saka nya ulit binabalik sakin ang tingin nya.

"Sino bang galit sa kanya!??" Nakangisi nitong tanong sakin.

"Sino bang may ayaw sa kanya??" Dagdag pa nya.

"Silver, Lui.. Tama na yan. Kain na lang tayo. Gutom na ako eh." Parang walang pakealam na sabat samin ni Gerone kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatalikod kase si Lui sa kanya at ako ang nakaharap.

"Tumigil ka dyan, Gerone.. Kung gusto mong kumain, kumain ka mag-isa mo!" Sigaw ko sa kanya at pabagsak kong binitawan ang kwelyo ni Lui saka ako umalis.

Tinawag pa ako ni Ricca pero buo na ang pasya kung lumayo muna sa kanila.

"Fuck! Laging ako na lang ang may kasalanan!" Mahinang sambit ko sa sarili habang naglalakad.

MAYA's POV

Papunta na kami ngayon ni Freya sa classroom nanin kahit gutom.

Paano ba naman kase, hindi na kami nakakain ng lunch dahil sa pesteng pambabato nila sakin ng kamatis, idagdag mo pa yung itlog na may arena na nasa ulo ko kanina. Tsk.

"Ang lansa. Naaamoy mo yun sis?"

"Oo nga.. Ano ba yun?"

"Shems! Tingnan mo nga paa mo baka may naapakan ka kanina."

"Wala naman eh. Baka ikaw, amuyin nga kita."

Parang mga baliw. Tss.

Nagtuloy-tuloy na lang kami sa paglalakad ni Freya at di na pinansin pa ang bulungan nila.

COLD INTO HOT Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang