CHAPTER 22

55 9 0
                                    

MAYA's POV

Sa lahat ng mga nalaman ko bakit yun pa?
Patay na si Khiel. Patay na sya!

FLASHBACK

"Khiel, kailan ka magtre-training? Di ba sa sabado na yung laban natin?" Tanong ko kay Khiel habang naglalakad kami dito sa may corridor ng building namin.

"Siguro sa huwebes na lang, Shane. Pero—" Natigil sya sa sasabihin nya at kasabay nun ang pagtigil nya rin sa paglalakad.

"Pero?"

"Pero natatakot ako na baka matalo mo ako." Malungkot nyang saad.

"Paano mo nasabi?" Natatawa ko namang tanong.

"Alam ko namang mas lamang ka sakin eh." Malungkot pa rin nyang saad.

Hinawakan ko naman sya sa magkabilang kamay.

"Hindi natin yan masasabi.. Alam kong may igagaling ka pa kesa sakin."Pagpapalakas ko ng loob sa kanya. Pilit naman syang ngumiti sakin saka nya ako niyakap.

"You're the best bestfriend as always, Shane.." Napangiti na lang ako saka ko rin sya niyakap.

Khiel was my bestfriend and a best buddy before. Lagi kaming magkasama. Lagi kaming magkasundo. Minsan sinasabi din nilang mas mukhang magkapatid pa kami kesa sa kapatid nyang si Kianna.

"Sino ba yang Ver na yan at lagi mo syang bukambibig sakin?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya habang nagpapahinga kami galing sa pagtretraining.

"Second cousin ko sya.. Pinsan ng mama ko ang papa nya."

"Hmm.. Manonood ba sya sa laban natin bukas?"

"Mmm.. But I'm not sure kung papayagan sya ni tita." Malungkot nyang aniya.

"Yang Ver ba na yan mabait syang pinsan sayo?"

"Oo naman.. Lagi nga nya akong trinitreat ng dinner sa restaurant ng mommy nya eh."

"Hmmm that's good.."

"Maya Shane, Khiel Chantel—training na kayo ulit!" Sigaw samin ni coach kaya napatigil kami sa pag-uusap.

SATURDAY araw na nang labanan namin.

"Khiel, good luck."

"Good luck din Maya."

Nagtanguan kaming dalawa saka kami nagkahiwalay na.

Kung nagtataka kayo kung ba't kami magkalaban ni Khiel, dahil magkaiba kami ng group.

"Ok ok... Good morning to one and all."Naagaw ng pansin namin ang host ng Tae kwon do na mukhang nagpaparinig na magsisimula na ang labanan. "So nandito tayo ngayon para tunghayan ang dalawang groupong lalaban sa bakbakan ng tae kwon do.. At walang iba kundi ang white dragon and black dragon!!"

Nagsipalakpakan ang mga tao sa crowd mula sa baba ng ring na nakapalibot pa samin.
Tinawag na kami ni coach, kaming dalawa ni Khiel na agad naman naming sinunod.

Nagtanguan at nagkamayan pa kami sa gitna ng ring at naging dahilan ulit ng hiyawan ng mga taong nanonood.

"Good luck, Maya." Masaya at nakangiting bati sakin nu Khiel na sinagot ko nang tango at bati rin sa kanya.

Ilang minuto kaming nagsasagutan ng sipa ni Khiel ngunit wala pa kaming natatamaan saan mang bahagi ng katawan namin. Hanggang sa mapagod kaming dalawa kaya pinagpahinga muna kami ng dalawang minuto.

COLD INTO HOT Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt