CHAPTER 60

44 9 0
                                    

MAYA's POV

"Ready, fight!" Sigaw nung referee at nagsimula na nga kaming mag-ikutan ni Jin.

Masama at nakangisi ang mukha niya sakin. Ako naman ay pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko. Hanggang sa nauna siyang sumugod sakin. Iniwas ko naman ang mukha ko nang suntukin niya ako.

"Come on, Maya.. Magpatalo ka na lang. Mas maiging una palang ay matalo ka na para hindi masakit sa huli." Pang-aasar pa niya sakin.

Pero hindi ako natinag. Hindi muna ako gumanti sa kaniya nang tadyakan niya ako sa tiyan.

"Oh my god!" Sigaw nang nakararami nang mapaatras ako sa lakas ng tadyak niya.

"Astig pa rin si Ibon kahit na nagpapatalo siya."

"Go Ibon! Kaya mo yan!"

"Alam naming kaya mo yan, Ibon!"

"Ibon ipanalo mo."

Iba-iba sila ng boses pero iisa ang gusto nila. Ang manalo ako. Hindi ko rin alam kung bakit ganyan na sila sakin ngayon. Parang noon lang ay ayaw nila sakin. Kinamumuhian nila ako. Hindi sila namamansin kung walang kahihiyan akong ginawa. Pero iisa lang ang gusto nila.. Dapat kong ipanalo.

"Marami ka palang supporter? I didn't know that." Sarkastikong usal pa ni Jin sakin matapos niyang mag double kick sa harapan ko. Buti na lang nakaiwas ako agad.

Maraming beses siyang nagsasayang ng sariling lakas habang puro iwas naman ako sa kaniya. Tactic lang yan. Dapat mo siyang pagurin hanggang sa ikaw na ang may turn para pagurin ang sarili mo para matalo mo siya.

Hanggang sa... "one, two...." tumigil ang referee nang gumalaw si Jin sa pagkakabagsak niya.

Malakas ang impact ang pagkakatadyak ko sa kanya at tumilapon pa siya sa gilid ng ring. Pero yung akala naming tatayo pa siya ay mukhang nawalan na siya ng lakas. Pagod na pagod at pinagpapawisan na ang gilid ng mukha niya. Iniinda ang sakit sa legs niya nang doon tumira ang pagtadyak ko.

"Three!" Huling sigaw ng referee kaya ako na ang tinanghal na panalo ngayon. Pero di pa diyan nagtatapos.

"Wooohhh! Panalo!"

"Kyaaahhhh astig talaga!!"

"Wow! Grabe naman ang kalakasan ni Ibon. Isang tadyak lang tapos na ang kalaban."

"Napuruhan na ata eh!"

"Mula ngayon, ikaw na ang pinaka-astig na Ibon!"

"Idol na kita, Maya Shane! Kyaaahh!"

"Ang lakas niya! Nakakabilib!"

Walang humpay ang sigawan nila. Pero kailangan pang maglaban sina Jin at Lilo. Kailangan ng one on one nilang dalawa. At kung sinong mananalo ay siyang makakalaban ko sa huli.

Umupo ako sa baba ng ring kasama sina coach nang mahagip ko sina Freya habang nagsisisigaw sa bench. Napatingin pa ako sa buong paligid. Wala si Gansa. Ewan ko kung nasaan na yun. Pero sana ay okay lang siya. Ako ang magdadala sa konsensyang ito kung hanggang mamaya ay wala pa rin siya.

"Uminom ka muna ng tubig." Baling sakin ni coach Bon nang naglalaban na sina Jin at Lilo.

Iniinda pa rin ni Jin ang pagkakapuro niya sa legs niya. Pero para sakin, hindi pa ganun kasakit yun. Mas may malala pa.

"Thanks, coach." Kinuha ko ang bottled water na bigay niya saka ko isahang linagok.

Uhaw na rin kase ako.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now