Chapter 69

58 4 0
                                    

MAYA's POV

Araw ng linggo ngayon at naisipan na naming lumawas na ng Maynila. Tutal tapos na rin ang proposal na ginawa ni Dwayne.

"Babybabe..." kanina pa ako tinatawag ni Gansa nang ganyan kaya naiirita na ako sa kaniya.

Sinamaan ko siya ng tingin nang ngumuso siya.

Nasa loob kami ng eroplano at magkatabi kami rito sa pinakalikuran para raw walang makaisturbo sa amin. Tss. Pinagbigyan ko na lang at baka magalit na naman sa akin.

"Sasapakin talaga kita, Gansa, kung di ka pa tumigil." Inis na talagang banta ko sa kaniya na iniharap pa sa kaniya ang kamao ko.

Nagpout naman siya at itinagilid ang ulo sa balikat ko. Hinayaan ko na lang din para makapagpahinga siya. Hahayaan ko na lang na mapawi ang lungkot niya diyan sa balikat ko.

"Napaka-mathon mo talaga," rinig kong bulong niya.

Tatawa na sana ako nang biglang dumating 'yong pagkain namin para sa lunch kaya napaayos ng upo si Gansa at gano'n din ako.

Nagthank you kami sa babae at linantakan na ang pagkain namin.

"Say aaaaah..." mahabang nga-nga talaga ang pagkakasabi nitong Gansa'ng 'to.

Walang emosyon ko siyang pinakatitigan pero nang nalungkot siya ay kinain ko na lang din ang sinusubo niyang kanin na may steak.

"I love you, Maya Shane Delos Reyes." Out of nowhere na sambit nito.

"Tss."

Napatingin siya sa akin dahil sa sinagot ko. Masama niya ako tinitigan habang nilalaro ang kutsara sa kamay nito. Peke ko siyang nginitian saka ko siya sinubuan ng kanin. Hindi rin naman siya nakatanggi.

"I love you too.." naibulong ko sa kaniya.

Biglang lumawak ang ngiti nito sa labi na para bang aabot na sa kaniyang tainga.

"Say it again, please.." nagpuppy eyes pa siya habang nakanguso.

Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy ko lang ang pagkain ko. Tumigil din naman siya sa kakakulit sa akin nang subuan ko ulit siya ng pagkain.

Lumipas ang ilang araw, naging mas attentive na si Gansa sa pagpunta sa apartment na tinutuluyan ko na halos doon na rin siya tumira. Bumalik na rin ako sa Ragaza Resto Bar dahil namiss ko na ang magwork doon.

Hindi ako pinayagan ni Gansa na magwork ulit pero pinilit ko siya dahil ako rin naman ang masusunod sa bandang huli. Sinusundo niya ako tuwing off duty ko na dahil ayaw niya akong magmotor pag gabi.

"Date tayo, babybabe." Biglang sambit niya nang pauwi na kami matapos niya akong sunduin sa resto.

"Ok." Tanging naisagot ko na mukhang hindi na naman niya nagustuhan.

"Napakatipid mo talaga magsalita. Hindi mo siguro ako mahal, 'no?"

Napakadrama talaga niya kahit kailan. Mas mukha pa siyang babae kaysa sa akin kung makareklamo.

"Tss."

Tinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Tumingin siya ng masama sa akin na para bang may binabalak na masama. Nanatili pa rin naman akong kalmado. Ngunit tinanggal nito ang seatbelt niya saka siya dahan-dahan na lumapit sa akin.

Wala pa rin naman akong nararamdamang kakaiba pero mas lumalakas lang ang tibok ng puso ko. Pero di naman ako natatakot sa lalakeng 'to. Baka ibalibag ko pa siya, eh. Tss.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now