CHAPTER 2

195 13 0
                                    

MAYA's POV

Papasok na ako sa classroom namin nang may biglang humarang sakin gamit ang isa nyang kamay.

Napatingin naman ako sa kanya. Nakangisi ito sakin at bigla nyang hinawakan ang braso ko. Matalim nya akong tinitigan at mukhang galit na galit. Hindi ko sa kanya pinahalatang nasasaktan ako sa higpit ng hawak nya sa braso ko.

"M-maya.." Bulong ni Freya sa likuran ko.

Kagagaling lang namin sa canteen kanina habang pinagtatawanan sya ng mga tao roon.

"Anong kailangan mo?" Walang emosyong tanong ko sa kanya.

Mas lalo lang dumilim ang aura nya habang nakatitig sakin.

"Alam kong ikaw ang may kagagawan nang papel na nakadikit sa likuran ko kanina!" Nagtitimping galit na usal nya sakin. Napatawa naman ako ng sarkastiko.

"Paano mo nasabi?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

Mas lalo pa nyang diniinan ang pagakakahawak sa braso ko.

"H'wag mo akong daan-daanin sa paganyan-ganyan mo dahil alam kong ginawa mo yun dahil sa pagbangga ko sayo kaninang umaga!" Sigaw na nya sakin na nakaagaw ng atensyon sa mga estudyanteng naglalakad at sa mga kaklase naming chismosa.

"Bitawan mo ako." Maawtoridad at walang emosyon na saad ko sa kanya.

Halos magdikit na rin ang dalawa nyang kilay sa sobrang inis sakin. Hinayaan ko lang syang mainis dahil wala akong pakealam kahit saktan nya ako ngayon.

"Bakit naman kita bibitawan ha??!" Halos yugyugin na nya ako kaya ako na mismo ang nagtanggal sa kamay nya ng sapilitan.

Akmang tatalikuran ko na syang hawakan na naman nya ako sa braso kaya napaharap ako sa kanya.

"Sabihin mo saking ikaw ang gumawa nun!!" Sigaw na naman nya.

Nagsimula na ring mabulongan ang mga kaklase namin pero mukhang wala lang syang pakealam.

"Hindi ko sasabihin sayo." Malamig kong sagot kaya tinulak nya ako.

Tss. Lalakeng nananakit ng babae? Alam nyong tawag dun? BADING! Napangisi ako saka ako tumayo. Hinarap ko sya habang pinapampag ang kamay ko.

"I'm just paying you back, gay." Bulong ko sa kanya malapit sa tenga nya kaya napalunok ito saka ako agad na tumalikod sa kanya.

"Ano na naman bang gulo yun, Maya?" Nag-aalalang tanong sakin ni Freya.

"Ninerbyus ka na naman?" Tanong ko naman sa kanya.

"Tsk. Tsk. Tsk. Hindi ka parin nagbabago. Basagulero ka parin." Napapailing na sambit nito.

"Sinabi ko naman kase sayong, h'wag ka nang sumunod sakin dito. Bakit kase sumunod-sunod ka pa kung alam mo namang di ako nakakatagal sa iisang eskwelahan lang?" Seryoso kong sagot sa kanya.

Palipat-lipat kami ni Freya ng eskwelahan dahil lagi akong nasasangkot sa iba't ibang klase ng gulo. Nakadepende lang sa mga makakalaban ko.

Wala naman akong mga magulang kaya walang may pakealam sakin. Nakikitira lang naman ako kina Freya at parehong may trabaho ang parents nya kaya hindi nila alam ang nangyayari samin sa loob ng paaralan namin.

"Pinsan kita, Maya. Alam mong di kita hahayaang mag-isang lilipat kaya kahit anong mangyari, sasama at sasama pa rin ako sayo." Seryosong sagot din nya sakin.

Di ko na lang sya pinansin dahil mag-aaway at mag-aaway lang kami kung sasagutin ko pa sya.

Katatapos ng pangatlong klase namin ngayon kaya napagpasyahan namin ni Freya na magtungo dito sa library para mag-advance reading.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now