CHAPTER 6

81 10 0
                                    

SILVER's POV

Bwisit! Bwisit! Di na nga ako pumasok kanina sa klase ni Miss Alvares para di makita si Yabang eh. Kainis!!

"Saan ka galing??"  Tanong sakin ni Lui nang makarating ako dito sa roof top na tambayan namin.

"Mukha kang nalugi ah? Anong nangyari?"  Tanong pa sakin ni Gerone kaya napatingin ako sa kanila saka ko sinuntok ang pader na nasa malapitan ko lang.

"Silver!!"  Awat nila sakin pero di na nila ako napigilan pa.

"Ano bang nangyayari sayo ha? May problema ba?"  Nag-aalalang tanong pa sakin ni Lui at lumapit pa.

"Ayoko nang makita pa yang Delos Reyes na yan dito sa paaralan ko!! Gusto ko na syang umalis!! Nakakainis na talaga sya!! Napakayabang!!" Sigaw ko sa kanila.

Napangisi naman si Gerone saka sya lumapit sakin at tinapik tapik ako sa balikat.

"Ano bang ikinagagalit mo sa kanya, pre? Diba di ka naman nya pinapatulan?" Tanong naman sakin ni Lui na ikinatigil ko.

"Basta! Ayoko sa kanya. Parang inaapakan nya ang pagkalalake ko sa sobrang kayabangan nya!" Sigaw ko naman.

"Hay naku Brant Silver... Kung ano-ano ikinagaganyan mo. Hayaan mo na lang yung tao, at least nga di ka nun pinapatulan eh." Napapailing na sabat naman ni Gerone pero di ko na lang sila pinansin at sumalampak na lang ako sa upuan.

Basta ayaw ko sa kanya.
Naiinis ako! Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis ko sa kanya pero di ko maexplain.

Tuwing nakikita ko sya umaakyat bigla ang dugo ko sa ulo.

CLASSROOM*

Pagkarating ko sa loob ay dere-deretsu lang akong pumunta sa upuan ko at nakapamulsa pa.

"Gwapo talaga noh?" Rinig ko pang bulungan ng mga kaklase kong babae pero di ko na sila pinakinggan pa.

Nang makaupo ako ay napatingin ako sa gawi ni Delos Reyes mula dito sa harapan ko.
Sumama na naman ang pakiramdam ko sa sobrang inis sa kanya.

Tatadyakan ko sana ang upuan nya nang pumaharap ito sakin habang nakaupo pero di sya nakatingin sakin kundi sa bag nya. May hinalungkat lang sya roon saka ulit sya pumaharap.

Tsk. Kainis kang babae ka!!

MAYA's POV

Gusto kong lumipat ng upuan pero wala nang available na upuan kaya no choice ako. Ayoko dito sa kinauupuan ko dahil sa likuran ko si gansa.

Katatapos ko lang magbihis dahil sa nangyari kanina sakin sa canteen.. Sobrang lagkit nang mukha ko dahil sa kagagawan ng babaeng inubusan ng tela.

"Psst... Nagugutom na ako.. Samahan mo naman akong bumili ng meryenda. Ikaw may kasalanan nito eh.." Mahinang tawag sakin ni Freya habang masama ang tingin sakin.

"Ehdi bumili ka mag-isa mo. Ikaw kakain diba?" Walang emosyon kong sagot sa kanya kaya mas lalo nya akong sinamaan ng tingin.

Alam kong kasalanan ko dahil inakay ko agad sya paalis nang canteen pero para naman sa kanya yun eh. Dahil masyado nyang dinala ang galit nya sa babae kanina.

"Sige na Maya. Wala pa naman yung teacher natin eh. Tsaka ikaw naman talaga may kasalanan na magutom ako eh.. Masyado ka kaseng pabibo. Sige na please." Nakasimangot nyang pakiusap sakin ngunit may halong inis.

Tsk. Kahit kailan ang takaw takaw nya talaga! Di naman tumataba.

"K." Tipid na tipid kong sagot habang papatayo na.

COLD INTO HOT حيث تعيش القصص. اكتشف الآن