CHAPTER 74

39 3 0
                                    

*10 years after*

SILVER'S POV

"Mr. Villanueva, may meeting po kayo mamayang 11 a.m."

Bagong rating ko pa lang dito sa kompanya ay sinalubong na agad ako ng secretary ko.

"Okay. Let me know what Mr. Abdullah told you about the building I planned yesterday."

Sumusunod lang siya habang naglalakad ako papasok sa opisina ko.

"He told me that he want to deal with you next week, sir."

"Good. You are dismiss."

Tumango ito at bumalik na sa office niya.

"Silver, tumawag na ba sa'yo si Maya?" Bungad agad ni Gerone nang makapasok siya dito sa opisina ko.

"Hindi pa, bakit?"

Sinapo nito ang noo at naupo sa couch.

"Hindi pa kase tumatawag si Monicqe simula kanina pag-alis ko sa bahay."

Mukhang problemado pa siya. Buti na lang at sanay na sanay na ako sa ganyang side ni Ibon. 'Yong hindi tumatawag ng ilang oras o kahit magtext man lang.

"Gago, kung makapag-alala ka parang pinagtataksilan ka na ni Monicqe. Baka naman kase busy lang siya."

Umiling-iling siya at tumayo.

Lawyer pa naman pero kung makaasta parang tagabitbit lang ng pinamili ng nanay niya sa palengke.

"Hindi, eh. Tatawag naman siya pag ganitong oras."

Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Huwag mong sabihing papatawagin mo sa akin si Ibon para lang malaman kung alam niya kung nasaan ang girlfriend mo?" Agad na usal ko na.

Tumango siya at nagpuppy eyes pa sa akin. Tangina kung di ko lang siya kaibigan baka kanina ko pa nasapak sa mukha.

"Bilisan mo!"

Halos isubsob na nito ang cellphone ko sa aking mukha nang makuha niya ito sa lamesa ko at ibinibigay sa akin.

"Hindi masakit.." sarkastiko kong kausap sa kaniya pero mukhang wala siyang pakealam.

Dinial ko na lang ang number ni Ibon. Para namang bata na naghihintay si Gerone na hinihintay na may sumagot sa tawag ko.

"Sumagot na ba?"

"Teka lang."

"Ano ba yan, ang bagal naman."

Parang di pa niya kilala si Ibon. Juice ko dzaii..

"Ano, sumagot na?"

COLD INTO HOT Onde histórias criam vida. Descubra agora