IAR [23]

69.8K 2.1K 131
                                    

NANGINGINIG PA rin ang aking katawan. Wala ng tunog ang pag-iyak. Nakahiga kami sa kalsada. Yakap-yakap ako ng lalaking nagligtas sa 'kin.

"Shh... Heather, it's okay." Lalo akong nanigas nang mabosesan si Grant. Paano siya nakarating dito? Hinawakan niya ang likod ng aking ulo at hinimas ang buhok ko hanggang likod. Inalalayan niya akong bumangon. Malamig ang ihip ng hangin pero mas nakakapangilabot ang takot at kaba na aking nararamdaman. "Breathe, Heather. Stop crying..."

Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok na dumidikit sa mukha ko. Pinunasan niya ang aking pisngi at gilid ng mga mata gamit ang mga hinlalaki niya. Natitikman ko na ang alat ng luha ko. Maliwanag dahil sa mga Christmas lights sa paligid at street lights pero hindi ko maaninag ang mukha niya sa panlalabo ng paningin.

Dinampian niya ng halik ang aking noo at nanatili lang doon ang labi niya. "I know you're not okay but please stop crying." Hinalikan niya rin ang magkabilaang talukap ko. "Stop crying, baby." Hinihimas-himas niya pa ang likod ko.

Hinawakan ko ang kanyang braso. Napansin ko na nanginginig din siya. Kanina pa niya sinisipat ang ulo at katawan ko kung nabalian ba ako ng buto o ano.

"Saan ang masakit?" Itiniklop niya ang aking siko bago dinampian ng halik. Gano'n din ang ginawa niya sa kabilang siko ko. Pati ang isang tuhod na nagalusan, hinalikan niya rin. "It's already cured. Stop crying now." Pinupunasan niya pa rin ang aking pisngi. "I'm sorry, Heather."

Kasama siya doon, hi'ja. Mag-iingat ka.

Napahigpit ang hawak ko sa braso ni Grant dahil sa naalala. Bumalik na naman sa isipan ko ang mga nakakatakot na sinabi ni nanay at sa nangyari sa Trese.

Tinitigan ako ni Grant dahil sa higpit nang hawak ko. Agad ko siyang niyakap. Ibinaon ang mukha sa kanyang leeg at dibdib. Naririnig ko ang bawat pintig ng puso niya. Alam kong natakot at nag-alala siya. "N-Nasaktan ka ba?" tanong ko sa pagitan ng bawat hikbi.

"I'm perfectly fine." Nakahinga ako nang maluwag. Kumalas siya sa pagkakayakap. Hinubad niya ang suot na coat at ipinangbalot sa katawan ko. Bigla niya akong pinangko. Naglakad siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse. "We need to go to the hospital."

"W-What?" Maang na tanong ko. "N-No. I'm fine, Grant. Mag-aalala sina mommy 'pag 'di nila tayo nakita. Tatapusin natin ang party." Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.

"No. You're not okay, Heather. Nasugatan ka." May diin sa bawat bigkas niya ng kataga. Binuksan niya ang pinto sa passenger's seat.

"Galos lang 'to, Grant. H-Hindi naman ako nasaktan. Tapusin natin ang party. Please..." Pinapungay ko ang mga mata. Ayokong talagang pumunta ng hospital. Hindi na rin naman kailangan. Tinitigan niya lang ako. Mukhang wala pa rin siyang balak na sundin ang gusto ko. "Hinalikan mo rin ang mga galos ko, kaya okay na ako." Nakatitig pa rin siya. Titig na titig. "Please, Grant?"

Bumuntong-hininga siya't sinipa pasara ang pinto ng pulang kotse. Hindi siya nagsalita. Naglakad lang siya patungo sa entrance ng hotel. Nilagpasan namin ang ilang mga sasakyan na maayos na nakapark. Napapatingin din ang ilang mga security guards. Nagtanong ang isa sa kanila kung ano'ng nangyari pero 'di umimik si Grant.

Malakas ang tilian sa loob. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari. Wala nga akong kaalam-alam kung bakit bigla na lang sumulpot si Grant kanina. Akala ko hindi pa tapos ang laro nila?

"'Wag mong sabihin na papasok tayo sa loob na buhat-buhat mo ako?" Umawang ang bibig ko. Agaw-eksena kami kapag nangyari 'yon. "Kaya kong maglakad, Grant. Just put me down." Nagdalawang-isip pa siya pero ibinaba rin ako kalaunan. Hinapit niya agad ako palapit. Inilagay niya ang isang kamay sa bewang ko at inalalayan ako papasok.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now