IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)

70.1K 1.8K 244
                                    

Copyright © chiXnita

Brix Vincent Flores’ POV

“THANK YOU, Mr. Flores, these works are superb. My daughter will love these, for sure.” Inilahad ni Mrs. Gallos ang kanang palad. Inabot ko naman iyon at ngumiti.

“You’re welcome,” simpleng tugon ko. Muli kong tiningnan ang mga sketches ng kanyang anak at isang painting na abstract.

Past time ko lang ang pagpipinta. Minsan lang akong tumanggap ng mga ganitong klaseng requests. Kaso malapit kay Mom si Mrs. Gallos na kaklase niya n’ong college.

Ang mga nirequest niya ang isa sa mga regalo niya sa 18th birthday ng kanyang anak. Kaya hindi na ako tumanggi. Buildings, houses at iba pa ang madalas na proyekto ang ginagawa ko. Nagtapos ako ng BS Architecture at noon pa’y wala talaga akong balak na pumasok sa mundo ng business.

Pasalamat na lang ako dahil hindi ako pinipilit ni Mom na asikasuhin ang Flores de-trese Resort, na may mga branches sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, na si daddy ang nagpatayo.

My father died when I was five. Kaya wala akong kapatid at hindi na rin nag-asawa pa si mommy.

Hinawi ko ang suot na long-sleeves sa may pulso at sumulyap sa suot na relo. 11:39 AM na. “Anyway, I need to go, Ma’am.”

“Oh, sure. Be safe.” Muli siyang nakipagkamay sa’kin habang inaayos ang suot na reading glasses. Kapagkuwan ay inabot ang telepono sa gilid ng kanyang mesa nang tumunog ito. Tumango pa siya bago ako lumabas ng pinto.

Cellphone ko naman ang nagvibrate nang nakasakay na ako ng kotse ko. Napangiti ako pagkakita kung sino’ng tumatawag. Ikinabit ko ang earphones.

“Why?” Hindi naman tatawag ang babaeng ‘to kung hindi kailangan ng tulong ko. Inilock ko ang seatbelt. Sumulyap ako sa salamin at inayos ang buhok.

“B, help me!” Napatuwid ako ng upo nang hinihingal na boses ni Xhai ang bumungad sa’kin.

“W-What happened?” Naistart ko ang engine bigla. Humigpit ang hawak ko sa manibela. Tinanggal ko ang necktie at inilagay sa backseat. Binuksan ko rin ang dalawang butones.

“Naiwan ko ang pouch ko sa flower shop. Nandito ako sa Trinoma. Pautang naman. May bibilhin kasi akong—” Napabuntong-hininga ako bago tumawa.

Pinagtatawanan ko ang sarili. Siya lang ang nakakagawa nito. Sa loob lang ng ilang segundo’y nagagawa niyang ibahin ang nararamdaman ko.

I guess, it won’t change.

“Ayaw mo akong pautangin kaya pinagtatawanan mo ako, ano? Ang sama mo talaga.” Hindi ko man siya nakikita, alam ko, nakanguso siya.

“Where’s Grant?” Idinikit ko ang likod sa backrest. Iniliko ko ang manibela at tinunton ang daan palabas ng Edsa. Nandito ako sa Makati at sana lang hindi traffic dahil mahaba-haba pang biyahe bago ako makarating ng Trinoma.

“Ayun na nga, eh. Iniwanan na naman ako.” Kumunot ang noo ko. “Uhm… It’s not what you think,” dugtong agad niya na tila nakita ang ekspresiyon ng mukha ko. “Nasa Cebu siya ngayon. May biglaang business session. Hindi na kayang idaan sa conference call. Eh, kasi naman umabsent ng isang linggo para doon sa road trip namin. Ay oo nga pala, hindi ko nasabi sa’yo. Nagroad-trip kami nung nakaraan lang. OMG, B—”

“Okay, okay. You don’t need to be that excited, Xhai…” pabirong awat ko sa kanya. Tawa lang ang kanyang isinagot. “Si Gel?” pag-iiba ko ng topic. Kapag si Grant talaga ang usapan, ang daldal niya. Hindi naman ako manhid. Nasasaktan pa rin ako. Kaso tanggap ko naman na… wala talaga. Noon pa!

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon