IAR [11]

109K 3.2K 269
                                    

-11-

Xhaiden Heather Roa Grant Turner Loriete.

Binura ko ulit ang sinulat sa basang puting buhangin. Hindi kasi perfect ang pagkakagawa ko. Ilang beses ko nang ginuguhit ito kanina pa, kaso hindi ako nakukuntento. I want this to be perfect.

Nagdrawing ako ng malaking puso. Muling nagsulat sa loob. Naglagay pa ako ng mga napulot na shells sa palibot. Kaso, hindi ako mapakali kaya muli kong binura. Gumawa ng bago.

What the hell is wrong with me? Pagdating kay Grant gusto ko lahat ng bagay perfect. Walang perfect. Pero gusto ko maging perfect.

Napabuga ako ng hangin. Umupo katabi ng stick na ginamit pang-drawing. Humahampas ang alon sa mga paa ko. Pumikit ako. Dinama ang malamig at nakakarelax na simoy ng hangin. Tinatangay nito ang nakalugay kong buhok.

Napasinghap ako nang may marinig na nabaling sanga sa likuran. Kunot ang noong napatayo ako. Sumilip kung may tao. May nahagip akong bulto na tumago.

"Sino 'yan?" Naglakad ako papalapit sa likuran ng dalawang niyog na nagkadikit. May mga iilang punong dagat din sa paligid. "Grant?" Walang sumagot. Inatake ako ng kaba.

Wala naman kasing ibang tao sa isla maliban sa 'min ni Grant at sa iilang taong katiwala nila. May mga mabangis na hayop ba rito na gusto akong lapain? Agad akong tumalikod. Natakot. Tumakbo ako sa beach house nang may tumawag sa 'kin.

"Heather..." Napalingon ako sa direksiyon ng pinanggalingan ng boses, kasalungat ng punong tinitingnan ko, kasabay nang pagclick ng camera at halakhak ni Grant nang makita niya 'yong picture ko. Napalabi ako. Malamang epic na naman ang mukha ko doon.

Nawala na sa isip ko 'yong tao o mabangis na hayop na nagtatago sa likod ng niyog. Baka naman wala lang. Hallucination ko lang.

"Idelete mo nga 'yan." Hinabol ko si Grant. Nakarating na kami kanina pa rito sa Centro. Papalubog na ang araw. Hinihintay lang namin ang sunset.

"No. You're beautiful on this picture, so why would I do that?" Itinaas pa niya ang cellphone at tatawa. Paano ako naging maganda doon kung pinagtatawanan niya?

"Eh, bakit ka tumatawa?" Hinabol ko siya kahit na paikot-ikot lang naman kami sa dalampasigan. Nakayapak.

Napasalampak ako sa buhangin. Napagod kahahabol sa kanya. Kanina niya pa kasi iyan ginagawa. Ilang dosenang stolen na wacky pictures ko na kaya ang meron sa cellphone niya?

Lumapit siya. Umupo sa tabi ko.

"Nakakapagod..." Humiga si Grant sa buhanginan. Inilagay ang cellphone sa tiyan niyang lecheeeeng... exposed na naman. Sinasadya niya yata talaga ang bagay na 'yan dahil palagi siyang half-naked sa 'king harapan. B'wisit na mga pandesal 'yan. Kulang na lang kape para may sawsawan. "Is it hot or not?" Nahuli niya akong nakatingin sa nakakagutom niyang katawan.

Napasimangot ako. Inayos ang buhok sa isang balikat dahil nagulo nang umihip ang malamig na hanging nagmumula sa dagat. Nagkukulay-apoy na ang kalawakan. Palubog na ang araw. Ang tubig, parang langis. Hindi masyadong maalon. May iilang isdang nagtatalunan. May mga iilang ibon na nagliliparan. May nabubuo akong imahe sa ulap.

God is really amazing. He made these wonderful things for us. We should appreciate his creation and treasure it.

Napatingin ako kay Grant. Nakapikit siya. Nakapatong ang ulo sa mga braso niyang nakasalikop pataas. Ang aliwalas ng mukha.

Nakalagay pa rin ang cellphone sa bandang pusod niya. Hinablot ko 'yon at tumayo. Dumilat lang siya at nginitian ako pero hindi naman ako pinigilan. Muli akong naupo. Binuksan ang gallery. Tiningnan ko ang mga pictures ko. Napanganga sa sobrang dami. Uubos yata ito ng isang libong terabytes na memorya. Hindi naman siguro pero ang dami nito masyado.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon