IAR [34]

63.2K 2.2K 683
                                    


-34-

Green Ryder Loriete's POV

PAPASOK NA ako sa hospital nang may biglang sumulpot na pulang BMV sa harapan ko. Tumigil ako dahil pamilyar sa 'kin ang sasakyan. At hindi ako maaaring magkamali. Pagmamay-ari 'yon ni Grant.

Hinintay ko siyang lumabas. Akala ko didiretso siya sa loob para puntahan si Xhai at bawiin ang naging desisyon. Kaso hindi... huminto siya sa harap ko at determinadong nakatingin lang sa 'kin.

Kumulubot ang pagitan ng mga kilay ko.

Hindi ko mabasa kung ano'ng iniisip niya. Wala pa yata siyang tulog. Kahit ako rin naman, pero masyadong halata sa mga mata niya dahil namumula. May maliit na cut din siya sa gilid ng labi. May sumuntok sa kanya? Ano'ng pakay niya? Pero ngayong nakatayo siya sa harapan ko... malamang ako.

Bakit?

Bago pa ako makapagtanong, may kalakasang itinulak niya ang hawak sa dibdib ko. Muntikan na nga akong sumemplang sa sahig. Nagulat kasi ako. Napahawak ako sa inabot niya. Hindi ko alam kung ano 'yon.

What the hell is his problem?

"From now on, Ryder... you are Silver," walang paligoy-ligoy na pahayag niya. Determinado. Ni hindi nga siya kumukurap kaya mas lalo akong naweirduhan.

"Who the fuck is Silver—"

"You and Heather met at the Green Park more than three years ago," hindi siya nagpatinag.

"Teka nga, Grant. Ano'ng pinagsasabi mo, ha?" Wala akong maintindihan sa gusto niyang palabasin.

"She was crying that time. 'Yon ang panahong dumating si Xyrus sa buhay ng mga Roa. That day she accidentally saw me and Xyrene talking... sa kanilang swimming pool. Nandoon ka rin ng araw na 'yon. Hindi mo sinasadyang makita siyang umalis habang umiiyak. You followed her, 'di mo alam kung bakit no'ng una. Pero ginawa mo 'yon kasi mahal mo siya. But you were afraid she'd recognize you, so you decided to wear a silver bonnet mask and brown eye contacts. Nakita mo siya sa Green Park. Nakaupo sa swing. Patuloy pa ring umiiyak. Lumapit ka sa kanya. Inabutan mo siya ng panyo. Natakot siya sa 'yo nun kasi mukha kang kriminal dahil nakamaskara ka. But you started talking nonsense things hanggang sa gumaan ang loob niya sa 'yo. Hanggang sa tumigil na siya sa pag-iyak. Hanggang sa nagkuwento siya kung ano'ng nangyari... kung gaano niya kamahal 'yong gagong lalaki na nagngangalang Grant Turner Loriete."

Saka lang siya natigil sa pagsasalita nang sinuntok ko siya sa panga. Uminit bigla ang ulo ko. Halos umusok ang bunbunan ko sa pagkayamot.

"Gago ka ba? Ako ang pagpapanggapin mong Silver? Tangina, Grant! You gave up Xhaiden. Then, now what... you're going to give up everything? Gago! Ayoko..."

Nagpupuyos lahat ng himaymay sa katawan ko. Nanginginig ako sa inis. Halos mamuti ang kamao ko sa pagkakakuyom. Kanina pa kami pinagtitinginan dito sa harap ng hospital. Pero walang pakialam 'tong gagong nasa harap ko.

Pinunasan niya lang ang dugo sa labi niya. Bumukas ulit 'yong cut sa gilid nito. Wala pa ring emosyon ang mukha. Gago ang pucha! Paano niya nagagawang itago ang totoong nararamdaman?

Ilang taon niyang ginagawa 'yan sa harapan ni Xhai?

Nababaliw na ba talaga siya?

Nagpanggap siyang dalawang tao sa harapan ni Xhaiden? At ano? Ginagawa niyang masama 'yong totoong siya. Tapos lahat ng nararamdaman niya... inilalabas niya roon sa isa. Ngayon bibitawan niya bigla at ipapaubaya sa ibang tao?

Tangina?!

Gusto ko siyang bubugbugin hanggang sa magising siya.

Kaso 'di ko kaya dahil naiintindihan ko siya.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon