IAR [12]

109K 2.9K 390
                                    

-12-

"BYE, KUYA! Bye, ate..." sigaw ng kambal na sina AJ at JA nang umalis na ang sinasakyan naming speed boat ni Grant. Hindi pa kami uuwi. Pupunta kami sa underwater cave ng Loriete Island na malapit lang sa Centro.

"See you later, guys..." sigaw ko pabalik. Kumaway din ako kay Aling Cora na nakatayo sa harapan nila. Nakangiti lang si Grant at umiiling sa tabi ko.

Muntikan na akong mahulog sa dagat nang hilahin niya ang kamay ko. Naalalayan niya lang ako agad kaya napaupo ako sa tabi niyang namumutla sa kaba. Napabuga ako ng hangin. Napahawak sa dibdib.

"Sorry, baby." Pinisil niya ang pisngi ko. Gusto kong batukan ang sarili. Kanina lang namumutla ako. Ngayon, pulang-pula ang mukha ko. Nakikita ko ang aking reflection sa suot niyang sunglasses. Ang lapit ng mukha namin. "Can I have my sunrise kiss now?" malambing na tanong niya.

"W-what?" Sunrise kiss? May gano'n ba? Nataranta na ako. Dumikit na ang tip ng mga ilong namin. Naaamoy ko ang hininga niya. Ang sarap gawing energizer. Nakita ko sa sulok ng mata si Mang Kiko na nakangisi kaya napaiwas agad ako bago pa halikan ni Grant. Ang PDA! Okay lang sana kung kaming dalawa lang.

Sunod-sunod na nagmura ni Grant. Nakahawak siya sa ulo niyang nauntog yata sa bakal ng speed boat nang umiwas ako.

"Grant, sorry... pa-patingin." Agad ko namang natanggal ang kamay niya. Hindi katulad no'ng nabato ko siya na nag-iinarte pa. Namumula noo niya ngayon. May nagbabadyang bukol na namumuo. Pinisil ko 'yon. "Masakit?"

Tinapik niya ang kamay ko. Mukhang masakit nga. "A-ano, medicine kiss na lang..." Hahalikan ko na sana si Grant sa noo kaso sinalubong niya ang mukha ko.

Hinalikan ako sa lips.

Imbes na siya ang magulat sa gagawin ko, ako ang napasinghap sa ginawa niya. Mga ilang segundo ring nakadikit ang mga labi namin pero ang mga mata ko mamaya pa yata babalik sa normal... dilat na dilat.

"Kailangan ko pa pa lang masaktan para makuha ang sunrise kiss na iyan..." Ngumiti siya.

Nakita ko ang dimples niya sa magkabilaang cheeks. Hindi kasi ito malalim. Hindi rin bilog. Maliit lang na paguhit. Isa 'yan sa mga gusto ko sa mukha niya. Ang cute kasi. Nakakainggit. Umayos siya ng pagkakahiga sa lap ko. Ipinaharap ang mukha sa 'king tiyan. Niyakap ang aking bewang.

Napatuwid ako ng pagkakaupo. Hindi alam kung itutulak siya palayo o hahayaan lang. Nababahala kasi akong baka marinig niya ang pagwawala ng mga lamang-loob ko.

Mahina siyang tumawa sa bandang tiyan ko. "Your tummy is shaking." Sinasabi ko na nga bang mapapansin niya. "And I can hear your organs' humming: I love you, Grant!"

Nakita ko si Mang Kiko na nag-thumbs up sa 'kin at ngumisi.

Asawa siya ni Aling Cora. Kung si Aling Cora... petite, kabaliktaran niya naman si Mang Kiko, sobrang tangkad. Sa kanya nagmana ang kambal. Tisoy. Si Aling Cora, morena. Tahimik siya na kabaliktaran naman ng asawa niya.

Love is really amazing, isn't it? Hindi mo mapredict.

Kaya nga love na love ko ang nauntog na ito nang dahil lang sa sunrise kiss. Hindi ko maiwasan ang mapangiti.

Hinawakan ko ang buhok ni Grant. Marahan iyong sinuklay. Gumalaw siya sa lap ko. Hindi ko na pinagtutuonan ng pansin ang magandang tanawin na nadadaanan namin. Kung gaano kabughaw ang tubig-dagat. Ang mga isdang nagtatalunan. Nakatuon ang buong atensiyon ko sa pinakag'wapong nilalang na ginawa ng Diyos sa buong mundo.

Kung hindi man siya ang pinakagwapong lalaki para sa ibang tao... wala akong pakialam. Para sa 'kin... siya lang.

Kaya ko naman sigurong mabuhay nang wala siya, hindi nga lang kasing exciting at masaya kapag kasama siya.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon