IAR [48]

63.6K 1.7K 221
                                    

Copyright © chiXnita

"MA'AM XHAI, hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" tanong ni Pau sa'kin habang hawak ang pamaymay niya na kanina pa niya ikinukumpas sa harapan ko. Nakabukas naman ang aircon dito sa shop kaya hindi ako naiinitan. Pero siya kung makatingin sa'kin ay para akong nasapian. "Ba't ba balot na balot ka?"

"Thank you for flower shopping. Please, come back again!" malakas naman na usal ni Fae kaya napatingin ako sa kanya. Nakayuko siya, nakalagay ang palad sa dibdib at ang isa'y sa likod ng balakang. Ngumiti ang lalaking customer sa kanya. "For sure, Sir, sasagutin agad kayo ng liligawan n'yo sa bulaklak na binili n'yo," pahabol pa niya, nagthumbs-up, bago ito tuluyang lumabas.

Karamihan ng customers namin ay mga binatang lalaki, pero mas marami ang for delivery. Sa'min din sila bumili ng mga tsokolate. Kaso si Kuya Xyrus ang humahawak ng business naming iyon. Kaya naisipan ko na flowers ang i-negosyo para ibagay doon.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Kanina kasi paggising ko'y pumpon ng mga pink roses ang nabungaran ko with a note. "I'll be gone for work. Take your time to rest. I know you're tired so I didn't wake you up. Don't forget to eat the breakfast I prepared for you. I love you..." na alam ko namang sa shop ko rin binili ni Grant.

Hindi naman ako mahilig sa bulaklak. Alam niya 'yun. Hindi naman kasi nakakabusog. Nalalanta pa. Hindi mo mabigyang sentimental value o halaga. Sa effort lang. Kaso ang sabi niya'y "kami na" kaya wala akong magagawa. Kaya for the first time ay kanina lang ako nakatanggap ng bulaklak.

"Punong-puno kasi siya ng kissmarks sa katawan. 'Di ba, Ma'am?" ani naman ni Mina na nasa tabi ko na rin pala.

Kahit na ilang beses ko nang sinabi sa kanila na Xhai na lang ang itawag sa'kin, hindi pa rin nila ako sinusunod. Nakapangalumbaba na silang tatlo sa harapan ko, namumungay ang mga mata at may ngising nakakairita, dahil wala ng customers kasi lunch break na.

Umawang ang bibig ko. "Eh...? P-Paano mo—"

"Naku naman, Ma'am Xhai, eh. May hickey ka rin kasi sa ibaba ng kanang tainga mo, oh." Tinuro ni Fae ang itaas ng leeg ko na hindi natatakpan ng aking buhok. Humalakhak siya dahil bigla akong namula na sinundan ni Mina. Kumunot ang noo ni Pau. "Ang inosente mo girl. Wawabels naman you," baling niya rito.

Nakasuot ako ng faded fitted pants at white long sleeves na parang jacket. Parehas naman silang tatlo ng kulay ng damit. Wala kasing uniform at sila lang ang nag-isip na magcolor-coding araw-araw. Naka-green sila ngayon. And speaking of color "green", ngayon lang ako hindi nakatanggap ng text mula kay Green. I wonder kung okay lang ba talaga siya.

"Ang tanong! Sino sa kanila?" sabay na usal ni Fae at Mina. Niyugyog nila ako sa balikat. Muntik na akong malaglag sa stall na kinauupoan. Tili sila nang tili. Mukhang nagets na rin ni Pau dahil nakisali na rin siya sa pang-aasar. "Ma'am Xhai, share your experience."

Napasuklay ako sa buhok ko. Kahit hindi naman ako naiinitan ay uminit ang pakiramdam ko. Bumalik kasi sa'kin ang nangyari kaninang madaling araw.

It was three times and still I felt like Grant was still inside me. Pleasantly, stroking me. Captivatingly, tasting me. Alluringly, plunging his hard-on inside me. God! Kaya ang dami kong hickeys.

Tumili silang tatlo dahil napatakip ako sa mukha ko. Ugh! I should stop visualizing those scenes.

Kumuha sila ng upuan at dinala sa'king harapan. Binuksan ni Fae ang cellphone niya at nagvideo. Ang ilang ahente ay nanunuod sa labas dahil palagi na lang ganito ang eksena kapag kasama ko silang tatlo. Nagsisisi na ako kung bakit sila ang pinili ko para makasama sa pagmanage sa shop. Ang sakit nila sa ulo.

"Isn't it mind-blowing?" Mina's smiling.

"Isn't it nail-biting?" Fae's grinning.

"Isn't it nerve-wracking?" Pau's beaming.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon