IAR [27.5]

64K 1.9K 118
                                    

-27.5-

It's been 3 weeks since my parents cancelled our wedding.

Nabuburyo na ako kakakulong sa silid ko. Nagpasya akong lumabas matapos maligo at mag-ayos ng sarili. Katahimikan ang sumalubong pagbukas ko ng pinto.

Tinahak ko ang sementadong hagdanan; sa pader ay nakasabit ang iba't ibang klaseng paintings at mga picture frames, na sketch ng mga mukha ng buong pamilya namin.

"Can you do that?"

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni mommy. Kakatungtong lang ng kanang paa ko sa pinakababa ng hagdan. Ipinihit ko ang ulo sa gawi ng sala para makita kung sino'ng kausap niya.

Nasa pagitan ako ng hallway papuntang living room at dining room. Nakaupo siya sa pang-isahang couch, patalikod sa 'kin. Kaharap niya ang isang lalaki na natatakpan niya.

"Of course, mom," tugon nito. Tumaas ang isang kilay ko nang mabosesan ang pisting si Green.

Pumagitna ako sa kanilang dalawa habang nakapamewang. Humarap ako kay mommy, salubong ang mga kilay.

Napatayo siya pagkakita sa 'kin. Ngumiti siya, na para bang nabunutan ng tinik dahil sa wakas napagdesisyunan kong lumabas ng k'warto matapos ang tatlong linggo.

"Mom, please," umpisa ko pero suminyas lang siya na lalong pinagtakhan ko.

"Let's go." Impit akong napatili nang hawakan ni Green ang pulso ko. Saka ako hinila palabas ng bahay.

"Mom!" Nilingon ko si mommy, dilat na dilat ang mga mata, pero tumalikod lang siya at pumuntang kusina. "M-Mommy? Do you trust this guy? God, he's a cockroach!"

Hindi ko na siya nakikita pero patuloy pa rin ako sa pagsigaw. Medyo bumabalik na ang boses ko pero mahirap pa rin ang magsalita. Hindi ko alam kung ilang oras o araw akong tulog. Wala na akong maintindihan sa 'king paligid. Pakiramdam ko hawak nila ang buhay ko at ang mga desisyon ko.

Akala ko ba hindi na sila makikialam sa mga desisyon namin?

Hindi ba ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko?

Bakit ba ginagawa nila sa 'kin 'to?

"Dad!" Pero wala ring silbi ang pagtawag ko sa kanya dahil malamang nasa opisina na siya. Pati ang mga kasambahay na nadaanan namin, hinihingian ko ng tulong pero umiiwas lang sila ng tingin. Klarong-klaro na kahit amo nila ako si mommy ang kanilang susundin.

Nakapagbihis na ako ng casual na panglakad kaya wala akong madahilan sa siraulong si Green para bitiwan ako. Hindi rin siya umiimik habang pinapapasok ako sa loob ng kanyang green na racer car – na mahahalata namang favorite niya sa mga sport cars na meron siya. Umikot siya papuntang driver's seat at pumasok na rin.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa 'min.

Ibinaling ko ang paningin sa labas nang lumingon si Green. Pasimpleng ikinabit ko ang seatbelt. Hindi ko alam kung ano'ng pinag-usapan nila ni mommy at kung may kinalaman ba 'yon sa biglang panghihila niya sa 'kin. Ikinuyom ko ang mga kamao at bumuga ng hangin.

Don't talk to him.

Pinaandar niya ang sasakyan at pinaharurot. Ipinikit ko ang mga mata at sumandal sa backrest. Alam kong gagawin niya talaga ang bagay na 'to para takutin ako nang sa gano'n kausapin ko siya. Asa siya!

You can do what you want. I can do what I want, too, cockroach.

Humigpit ang hawak ko sa seatbelt. Hindi ko pa rin idinidilat ang mga mata. Kasi kung didilat ako siguradong malulula ako sa bilis ng pagpapatakbo niya. Wala akong dalang cellphone dahil nakacharge pa 'yon sa loob ng kwarto ko. Kahit pouch o duling na Jose Rizal sa piso wala. Bahala na kung ano'ng mangyayari sa 'kin.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon