IAR [27]

66.2K 2K 254
                                    

-27-

MAGULONG BUHOK. Natutuyong mga labi. Namumugtong mga mata. Namumutlang mukha. Sigurado akong ganyan na ang aking itsura.

Ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto ko. Ni hindi ko alam kung anong araw o kung anong oras na. Mukha akong nasa presento at hinatulan ng kamatayan kahit na wala akong kasalanan.

Main dish, na walang bawas, sa ibabaw ng bilog na mesa. Casual outfits, na inihanda ni mommy, sa itaas ng kama. At nagkalat na mga tissue paper sa sahig ang makikita sa silid ko. Nakasarado ang lavender na kurtina sa may bintana. Malakas din ang music na nagmumula sa speaker na nakakonekta sa nakabukas kong laptop. Mga kanta ng Linkin Park at Paramore ang mga pinapakinggan ko dahil wala akong sa mood na makinig ng mga love songs and heartbreaking songs.

Nakasalampak ako sa kama. Malapit ko nang maubos ang ikatlong gallon ng ice cream pero gusto ko pa ng isang gallon para latakin. Nanlalagkit na ang pakiramdam ko kaso wala ako sa mood para maligo. Dehydrated na rin yata ako dahil sa kaiiyak.

Ilang beses ko nang tinawagan si Grant. Baha na rin ang mga ipinapadala kong messages pero kahit isa wala akong natatanggap na text.

Pumupunta rin sina mommy at daddy rito paminsan-minsan pero hindi ko sila kinakausap.

Ayaw nila akong masaktan?

Hindi ba nila naisip na mas nasasaktan ako sa mga oras na 'to?

Tumayo ako. Naghanap nang matalas na bagay na pwedeng ipanglaslas ng pulso. Kaso wala akong nakitang kahit ano. Sinigurado nina daddy na lahat ng mga p'wedeng deadly weapons... nakatago.

Nakasarado rin ang bintana kaya hindi ako p'wedeng tumalon mula sa third floor. Sumagi sa isip ko na punuin ang bathtub at magpalunod. Magbuhos ng tubig sa sahig at magpaa; kunin ang tinidor sa may plato at isaksak sa electrical socket. O kaya saksakin na lang ang sarili ng tinidor. P'wede ring uminom ng feminine wash na meron sa CR pero hindi ko alam kung 'yon ba ay nakakamatay.

Kaya naman hinila ko na lang ang kumot sa kama. Itinali ang dulo sa leeg ko. Ito ang madalas na ginagawa sa pelikula ng mga casts na may kasama pang video. Matapos itali ang kumot, isinet ko ang camera ng laptop.

Nawawala na ako sa sarili. Parang mababaliw na ako kapag nanatili pa ako sa k'wartong 'to. Nabubuhay nga ako hindi ko naman nakakasama si Grant.

Ano pa'ng silbi ko sa mundo?

Wala na!

Wala akong pakialam sa ibang bagay. Si Grant lang naman ang hinihiling ko, bakit hindi siya p'wedeng maging akin kahit na ano'ng gawin ko?

Nakaset na ang video sa laptop. Naghahanap na ako ng p'wedeng pagsabitan ng kumot nang biglang bumukas ang pinto. Nagtangis ang bagang ko pagkakita sa ipis na si Green.

Hindi man lang siya nagulat nang mabungaran ako sa ganitong itsura. Seryoso ang mukha.

Ano'ng ginagawa ng ipis na 'to rito? Pipistihin ako?

"W-What are you doing—" Pumiyok ako kaya natigilan sa pagsasalita. Kahit ang sariling tinig hindi ko nakilala. Halos mawalan ako ng boses sa walang tigil na pag-iyak.

"You look like a—" Pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan ko, dahan-dahan at nakataas ang gilid ng labi, bago ibinalik ang tingin sa 'king mga mata "-zombie!"

Humakbang siya patalikod at sumandal sa nakasaradong pinto bago nilock. Inilagay niya sa loob ng bulsa ang master key ng bahay namin at kinuha ang cellphone. Ikinuyom ko ang kamay sa panggigigil na halos pumuti ang knuckles ko. Lalong nadagdagan ang inis ko. May idea na akong si mommy ang may pakulo nito. Malay ba naman ni Green kung saan nakalagay ang master keys, maliban na lang kung may balak na masama ang pisting 'to.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon