IAR [41.5]

61.2K 2.4K 648
                                    

"Sa mga nakabasa na ng old version ng IAR. Sorry sa major major major changes. Ang dami kong binago, alam ko. Ginawa ko 'to para sa mga upcoming stories ko pa. Connected kasi. Ito ang purpose kaya ko in-edit. Sorry po. Trust me na lang.

Pakisampal na lang si Xhai. Lol" -Chix

--

Copyright © chiXnita

"HINDI KA ba aalis?" tanong ko kay Green dahil prenteng nakaupo lang siya sa sofa dito sa office ko. Lunch break kasi at wala naman siyang ginagawa kung 'di ang titigan ako. Bwisit! Sanay na ako sa kanya na ganyan siya dati pa. Pero ngayon, naiilang ako.

Feeling ko sobrang laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya.

Lalo na sa mga sinabi ni Brix kahapon.

Kanina pa siyang umaga dito. Kakatapos lang namin kumain ng lunch. Tapos sagot niya lahat 'yon.

Ang galante ng boyfriend ko tapos ang gwapo pa. Sarap hampasin ng tsinelas kasi nakakaloko siyang nakangisi sa 'kin ngayon.

"Bakit ko naman gustong umalis kung napuntahan ko na ang gusto kong puntahan, Baby Girl?!" Iningusan ko siya. Pero hindi ko maiwasan ang pamulahan ng mukha. Kapag ganyan ang ngisi niya, alam kong babanat na siya. Jusko. Walang kaumayan talaga si baby boy. Natatawa na lang ako. Kaya hindi na ako sumagot. "Nakarating na ako sa puso mo kaya wala na akong balak na umalis. I love you!" Then, he winked.

"Oo na. Oo na. Kinikilig na ako. Tama na." Ikinumpas ko ang kamay para tumahimik na siya. Tawa lang siya nang tawa. Abnormal talaga.

Si Brix at BAX ang naghatid sa 'kin matapos kong isara ang shop.

Tumawag pa si Green kahapon. Sobrang nataranta ako nun.

Hinablot kasi ni Brix ang cellphone ko hindi ko pa man nasasagot. Agad dumilim ang aura niya. Mukha akong isasalang sa beauty pageant. Ang matindi ay sa Ms. Universe at hindi basta Bb. Pilipinas.

"Tangina! Tumigil ka na..." Halos sumigaw si Brix nang sabihin iyon. Parang mapuputulan siya ng ugat sa leeg sa pagtitimpi. Inagaw ko agad ang cellphone sa kanya at pinatay ang tawag. In-off ko rin. Pinagpapawisan ako nang malapot. Si Angel yata ang kasama ko kagabi at hindi si Brix. Pinapakalma at kinakausap ko siya pero ang tahimik niya sa buong biyahe namin pauwi.

Kanina, hindi ako makasagot kay Green nang tinanong niya ako kung ano'ng nangyari. Hindi na niya pinush pa. Hanggang ngayon... hindi na siya nagtatanong tungkol dun. Sabi niya, maghihintay siya kung kelan ko balak sabihin sa barkada at pamilya namin.

Dalawang araw pa lang pero kinakain na ako ng konsensiya.

Tama ba talaga 'tong ginawa ko?

Tumayo siya at lumapit sa mesa. Nagpangalumbaba siya. Nginitian niya ako. Napangiti rin tuloy ako. Ang refreshing ng dating kapag magkasama kami, eh. Walang hassle. Feeling ko wala akong dapat na alalahanin.

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Inilagay sa likod ng aking tainga ang iilang buhok. Tinitigan niya lahat ng sulok ng mukha ko. 'Di ko tuloy maiwasang mapalunok at mailang.

"Hoy! Patay na patay ka talaga sa 'kin, noh?" Natatawang sabi ko na lang.

"Sa akin ka na ba talaga?" bigla niyang tanong. Napatitig lang ako sa kanyang light brown na mga mata. Tumango ako. "Sigurado ka? Hinding-hindi ka magsisisi, Xhai? Wala nang bawian, ah? September 2 ang monthsary natin. Binilugan ko na sa kalendaryo. 'Wag mong kakalimutan!" banta niya.

Pinitik ko siya sa noo habang natatawa. Parang timang, eh.

Hinawakan niya ang kamay ko't marahan akong hinila. Napatukod tuloy ako sa mesa. Hindi na ako nakapagreact nang mabilis niya akong binigyan ng smack sa lips. "I love you, Xhai."

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon