IAR [1]

326K 9K 2.1K
                                    

(Do "not" read!) Note: Please, do not proceed, and stop reading kung ang gusto mo ay nakakainlove na mga characters. Kasi nakakairita mga characters ko. Mabigat ang plot. Nakakadepress basahin. Nakakaiyak. Kung weak ka, alis na! Hahaha. Salamat. ~ Chix♡

--

Twitter: chiXnita

Instagram: chiXnita_wp

--

Copyright © chiXnita

Xhaiden Heather Roa's POV

I WISH I can google the feelings of the person I love. I wish I can predict what he feels about me. I wish, sometimes, I am in his place just to know how he truly feels.

Katatapos lang ng engagement party ko pero ba't pakiramdam ko, bukas ay ililibing na ako?

Should I be happy because I'm gonna marry the person that I love since I was young?

O dapat ba akong masaktan dahil hinding-hindi niya akong matututunang mahalin kahit kalahati lang kumpara sa 'king nararamdaman?

Ano nga ba ang pinakamasakit na pakiramdam?

_..._..._

"DAMN IT, Heather! Pinapainit mo talaga ang ulo ko."

Napatalon ako nang sumigaw si Grant sa labas. Taranta akong nagbanlaw, kahit hindi pa tapos maligo. Nagbihis. Kamuntik-muntikan pa akong madulas. Sobrang mainipin niya. Ayaw niya ng pinaghihintay.

"S-Sandali lang."

Katatapos ko lang magluto ng dinner bago ko naisipang magshower. It's already past ten o' clock. Hindi pa ako kumakain. Late na talaga siya umuwi madalas.

Minsan nga hindi na.

Wala akong ideya kung saan siya pumupunta. Hindi siya nagpapaalam sa 'kin. Kausapin nga lang ako halos ikamatay na niya. Iniisip ko na lang na abala siya sa opisina.

It's been two months since our engagement yet our relationship is still the same.

Matatawag ko nga bang relasyon kung ano'ng meron kami ngayon?

Kahit saang anggulo tingnan... live-in kami. Magkasama sa ilalim ng isang bubong. Pero hanggang doon lang. Hindi niya ako magawang halikan o hawakan.

Gaano niya ba ako kinasusuklaman?

Ang mga magulang kasi namin ang may gusto nito.

S'yempre, gusto ko rin.

Hindi ako impokrita't magpapanggap na napipilitan kung ito naman talaga ang pinangarap ko dati pa lang. Kaso ako lang ang nakakaramdam.

Kung ako lalong nalulunod kay Grant sa bawat araw na lumilipas, siya naman mas lalong lumalalim ang pagkamuhi sa 'kin.

Kung p'wede lang gumawa ng rule sa mundo na: "Mahalin mo ang taong nagmamahal sa 'yo." O kaya "Piliin mo ang taong mahal mo at mamahalin ka rin niya nang buo." Kaso mas nananaig pa rin ang... "Mahal mo, pero mahal siya. Mahal ka pero may mahal kang iba."

True, love sucks!

But love itself is the lone reason why I'm still holding. Because I love Grant. I really love him. Words aren't enough to define my feelings.

Sinadya kong hintayin siya para sabay na kaming kumain kahit kanina pa ako nagugutom.

We're not yet married, but I want him to feel that someone is waiting for him every night... his soon to be wife.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon