IAR [44]

57K 2K 164
                                    

Copyright © chiXnita

"BYE, MOM." Hinalikan ko siya sa pisngi at hinarap si Grant na sinundo ako para ihatid sa flower shop.

Nakauwi na kami kahapon. Anim na araw din ang naging road trip naming iyon. At hindi nga ako nagkamali ng hinala na may kinalaman sina mommy kung ba't nakidnap ako.

Kung dati halos ikadena nila ako para lang ilayo kay Grant, ngayon... kulang na lang pati kaluluwa ko ibenta nila kay Grant.

Hinawakan ni Grant ang aking siko para alalayan ako. Palabas na kami ng bahay nang tumikhim si daddy sa likod. "Sandali lang, Grant." Natigil kami at muling humarap.

May hawak si dad na coffee mug. Sumimsim siya rito. Nakasuot na siya ng office suit. Suot niya rin ang kanyang eyeglasses. Tumabi siya kay mommy na nakafloral dress. Nagsusuot din naman siya ng ganyang damit pero madalas uncanny outfits.

"You chose Xhaiden over Xyrene. Are you sure you aren't doing this because Xyrene is still unconscious? Or you're—"

"Dad!" hysterical na saway ko, nakasabay ko pa si mommy. Hindi pumasok sa isip ko na magagawa niyang itanong ang bagay na iyan. Kung si mommy maiintindihan ko pa. Akala ko ba okay na ang bagay na 'to? Akala ko ba hindi na sila manghihimasok sa gusto ko? "That's too unethical."

Dumiin ang hawak ni Grant sa'king siko. Napatingala ako sa kanya at mahigpit na hinawakan ang laylayan ng kanyang damit. Si mommy naman ay binubulungan si daddy. Only God knows what it is.

Nagreyna sa'min ang katahimikan. Pero naghari ang tensiyon na bumabalot sa paligid.

"We're going." Hinila ko si Grant pero nanatili siya sa kinatatayuan. Darn! Ang hina ko ba talaga? Matiim siyang nakatitig kay dad at gano'n din ito sa kanya. Na para bang may "usapang lalaki" sa titigan nila na silang dalawa lang ang nakakaintindi at hindi kami pwedeng sumali ni mommy. "Grant, let's—"

"Isn't it enough that I love you daughter?" he probed, plagiarizing the intensity of my father's voice. I bit my lower lip and shouted uncalled-for curses inside my head.

"Who? They're both my daughters, Grant. You love them and you knew from the start that you shouldn't." Ang sarcastic ng tono ni daddy. At gusto kong mainis sa kanya ngayon.

"Wow, Dad. You're going to be the villain here now?" Mas sarcastic ang tinig na ginamit ko. Kanina lang ang ganda ng mood ko pero ngayon sirang-sira na.

Hindi siya sumagot at tinitigan niya lang ako. Mababakas sa aura niyang nasaktan siya sa sinabi ko. He's so sensitive and he knew that I inherited it from him. But now he's being insensitive which is so unusual of him.

Hindi ko alam kung nagmamalasakit siya sa'kin o kay Xyrene, dahil nandito na si ate ngayon sa bahay namin, dalawang araw na.

Hinaplos ni mommy ang kanyang braso. "Dad, it's okay. Napagpasyahan na nating hindi na tayo mangingialam sa mga desisyon nila. Let them do what they want to," anito na unusual din. Nagkapalit ba sila ng katawan o pagkatao?

"You can call me a villain or even a crazy old freak. I wouldn't mind, baby. I agreed to that, honey, because I thought that my daughter's feelings changed already. But I was wrong and now I won't allow those things to happen again. Tama na ang isang pagkakamali. Tama nang nasaktan ang anak ko. Tama nang muntik na akong mawalan ng anak. Tama nang nakasakit ang anak ko. Tama na! Hindi ba pwedeng magpahinga na muna?"

"Then, what do you want me to do?" Napabitiw ako kay Grant. Madilim ang kanyang mga mata. He isn't afraid or even terrified. He's hurt.

Ako ang natakot. Mas natatakot ako sa kanya kaysa kay Dad.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon